Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Campaign Against Corruption ng Pangulong Duterte, Naging Katatawanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,276 total views

Ito ay dahil ang pangulong Rodrigo Duterte ay isang joke.

Sinabi ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na hindi na pinaniniwalaan ang pangulong Duterte sa mga pahayag nito maging ng mga nakakilala sa kanya.

Bukod sa battle cry na ihinto ang kalakaran ng iligal na droga sa bansa naging pangako din ng pangulo na lansagin ang talamak na corruption sa lahat ng sangay ng pamahalaan.

Unang nabunyag ang malawakang katiwalian ng mismong mga fraternity brother ng pangulong Duterte sa Bureau of Immigration.

Nabunyag din ang matinding corruption sa Bureau of Customs at Department of Tourism gayundin ang “tara system” sa National Food Authority.

Ayon kay Bishop Bacani, ang laganap na katiwalian sa administrasyong Duterte ay patunay na isang joke lamang ang kampanya ng pangulo kontra katiwalian.

Ayon kay Bishop Bacani, anong klaseng Presidente ang madalas hindi dapat seryosohin at kailan seryosohin.

Ang pahayag ni Bishop Bacani ay kaugnay sa naging pag-amin ng Pangulong Duterte na ang kanyang naging kasalanan ay extra judicial killings na agad nilinaw ng Presidential spokesman na isang joke lamang.

“Kayo na ang humatol. Anong klaseng presidente ang madalas di dapat seryosohin? Kailan seseryosohin? Kaya siguro pati ang campaign against corruption nagiging kaatatawanan. Di sineseryoso ng mga nakakakilala kay presidente.”pahayag ni Bishop Bacani

Kilala ang pangulong Duterte sa mga paulit-ulit na rape jokes.

Dapat pa bang paniwalaan ang Pangulong Duterte?

Pinayuhan ni Bishop Bacani ang mga Filipino na gumising, mag-isip, matutong kumilatis at magsalita sa mga hindi kaaya-ayang jokes ng Pangulong Duterte.

Hinimok din ng Obispo ang mamamayan na kumilos ng sama-sama para labanan ang katiwalian sa pamahalaan.

Hinikayat ng Obispo ang taumbayan na ipagdasal ang pangulong Duterte at mga opisyal ng gobyerno na pagsilbihan ang interes ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 40,838 total views

 40,838 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 62,904 total views

 62,904 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 78,600 total views

 78,600 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 85,965 total views

 85,965 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 147,122 total views

 147,122 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top