Nagbabalat-kayong totalitaryanismo

SHARE THE TRUTH

 466 total views

Mga Kapanalig, malaking balita noong nakaraang linggo ang pagdakip kay opposition senator Antonio “Sonny” Trillanes IV matapos ipawalambisa ni Pangulong Duterte ang amnestiyang iginawad sa senador matapos ang pangunguna nito sa pag-aalsa laban sa administrasyong Arroyo. Nakapagpiyansa siya at ngayon nga’y nakauwi na sa kanyang pamilya.

Ngunit hindi natin ito ikinagulat. Naging tatak na ng administrasyong Duterte na wasakin ang kredibilidad ng mga pumupuna sa mga patakaran at pangungusap nito. Una na riyan si Senadora Leila de Lima na nakakulong pa rin hanggang ngayon sa kasong hindi pa rin malinaw ang batayan. Ang alam lang natin, isa ang senadora sa mga unang pumuna sa brutál na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Nakita rin natin kung paano binaluktot ng administrasyon, katuwang ang mga kaalyado sa Kongreso at Korte Suprema, ang batas upang patalsikin si Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Sa halip na idaan sa impeachment trial ang sinasabing kaso laban sa punong mahistrado, idinaan ito sa quo warranto na hindi naman pinahihintulutan ng ating Saligang Batas.

Pati ang Simbahang Katolika, target din ng administrasyon. Hindi na natin mabilang ang mga pagkakataong ginamit ng pangulo ang kanyang mga talumpati upang siraan ang Simbahang pumupuna sa mga patakarang hindi iginagalang ang buhay ng tao. Ang mga napapatay na pari, ginagawan niya ng intriga. Ang mga dayuhang misyonero, hindi rin exempted sa mga paninira ng pangulo.

At ngayon nga, si Senador Trillanes naman ang pinag-iinitan ng administrasyon. Hindi na kaila sa atin ang pagiging kritiko ng senador, at inamin naman ito ng tagapagsalita ng pangulo. Sabi ng presidential spokesperson, sadyang inuna ng administrasyon ang senador bilang lider ito ng Magdalo, ang grupo ng mga dating sundalong nagrebelde laban kay dating Pangulong Arroyo.

Mga Kapanalig, mahalaga sa demokrasya ang pagkakaroon ng magkakaibang pananaw sa mga isyung kinakaharap ng bayan. Pinahahalagahan sa isang demokrasya ang malayang pagpapahayag ng pananaw at saloobin ng mga tao at grupong bumubuo sa isang lipunan dahil sa pamamagitan ng pagsusuri at pagtitimbang sa mga ito, nalalaman natin kung ano ang nararapat na gawin para sa tunay na ikabubuti ng lahat. Halimbawa, sa isyu ng ilegal na droga, mahalagang isinasaalang-alang ng mga bumubuo at nagpapatupad ng mga batas ang sinasabi ng ibang hindi matutuldukan ang problemang ito sa pamamagitan ng pagpatay at pagpapalaganap ng kultura ng takot sa mga mamamayan. Subalit, kung ang paiiralin ng mga may katungkulan ay ang paraang sa kanilang paniwala’y epektibo at tama, pagdidikta na ang kanilang ginagawa. Taliwas na iyon sa diwa ng demokrasya.

Mahalaga rin sa demokrasya ang magkakaibang pananaw upang maging mas malinaw sa atin kung anu-ano ang pinahahalagahan natin bilang isang bayan—anu-ano ang values natin bilang isang sambayanan. Hindi ito mangyayari kung igigiit ng iilan ang mga values na para sa kanila’y wasto at nararapat. Halimbawa, kung ang sinasabi ng mga lider natin ngayon ay walang karapatang pantao ang mga drug addict, masasabi rin ba nating ang mga Pilipino ay walang pagpapahalaga sa buhay ng kanyang kapwa? Hindi rito naniniwala ang mga kritiko ng kasalukuyang administrasyon kaya’t gumagawa sila ng mga paraan upang ipakita sa mga nasa poder na may mali sa pinaiiral nilang kaisipan at ipinatutupad na patakaran.

Ngunit ano ang tugon ng administrasyon sa mga pumupuna sa mga ginagawa nito? Sa halip na mahinahon at matalinong makipagtalastasan, ipinakukulong nila ang kanilang mga kritiko, sinisiraan nila ang mga ito gamit ang tsismis at intriga. Sa maikling salita, pinatatahimik sila.

Mga Kapanalig, sabi nga ni St John Paul II sa Centesimus Annus, “democracy without values easily turns into open or thinly disguised totalitarianism.” Anu-anong values ang tinutungnungan ng demokrasya sa Pilipinas? Hindi kaya nagbabalat-kayo lamang bilang demokrasya ang totalitaryanismong umiiral sa atin ngayon?

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 36,614 total views

 36,614 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 42,032 total views

 42,032 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 48,739 total views

 48,739 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 63,533 total views

 63,533 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 69,689 total views

 69,689 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 36,615 total views

 36,615 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 42,033 total views

 42,033 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 48,740 total views

 48,740 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 63,534 total views

 63,534 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 69,690 total views

 69,690 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 40,751 total views

 40,751 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 51,335 total views

 51,335 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 59,552 total views

 59,552 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 43,785 total views

 43,785 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 49,761 total views

 49,761 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 52,854 total views

 52,854 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 42,559 total views

 42,559 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 43,447 total views

 43,447 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 58,750 total views

 58,750 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 71,159 total views

 71,159 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top