Pagkakaisa, makakamit kung may pagkakasundo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 570 total reads

Binigyang diin ng isang Obispo ang kahalagahan ng pagkakasundo sa lipunan upang iiral ang pagkakaisa.

Ayon sa Homiliya ni Novaliches Bishop Antonio Tobias, bawat mananampalataya ay pinagkalooban ng iba’t-ibang biyaya ng Panginoon.

Hinimok ng Obispo ang mga mananampalataya na manatiling magkaisa tungo sa kabutihan ng kapwa.

Ang paninilay ng Obispo ay kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ni San Lorenzo Ruiz na ginanap sa San Lorenzo Ruiz Parish, Tandang Sora Quezon City noong ika – 30 ng Setyembre.

Inihalimbawa ni Bishop Tobias si San Lorenzo at mga kasamahan na sa kabila ng pagkakaiba ng estado sa buhay ay kapwa tinawag upang maging martir.

Tema sa pagdiriwang ng Kapistahan ang “Layko at Relihiyoso, Kaalakbay ni San Lorenzo kay Kristo” bilang pakikiisa sa Simbahang Katolika na nagdiriwang ng Year of the Clergy, religious and Consecrated Persons.

Dahil dito, hinikayat ng Obispo ang mga pari, madre, relihiyoso at mga layko na magtulungan sa ikabubuti ng Sambayanan.

“Ang mga Pari, Madre at Layko ay parehong tinawag sa iisang misyon; magkakasama sa pagpapalakas ng ating Sambayanang Krsitiyano.” pagninilay ni Bishop Tobias.

Sinabi pa ng Obispo na kapaki-pakinabang ang pagkakaisa ng bawat mananampalataya upang higit pang maipapalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon lalo na sa mga tumatamlay ang pananampalataya.

Si San Lorenzo Ruiz ang kauna-unahang Santong Filipino na pinahirapan at pinaslang ng mga Hapon sa Nagasaki Japan noong ika – 16 na siglo makaraang tumanggi itong talikuran ang pananampalatayang Katoliko at nanindigan na kung bibigyan pa ito ng sanlibong buhay ay muli’t muli itong iaalay sa Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 29,351 total reads

 29,351 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 256,269 total reads

 256,269 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 149,736 total reads

 149,736 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 243,766 total reads

 243,766 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 286,620 total reads

 286,620 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top