Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panggigipit ng GSIS sa mga guro, pinapaimbestigahan sa Kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 666 total views

Umaapela sa mga mambabatas ang Teachers’ Dignity Coalition upang imbestigahan ang sinasabing panggigipit ng Government Service Insurance System (GSIS) sa mga guro na mayroong utang sa Institusyon.

Ayon kay TDC-NCR Chairman Ildefonso Enguerra III, ang deadline na ibinigay ng GSIS sa mga guro upang mabayaran ang kanilang utang hanggang sa unang araw ng Oktubre ang pangunahing kinahaharap na problema sa ngayon ng mga guro sa bansa partikular na sa National Capital Region.

Ipinaliwanag ni Enguerra na naiipit lamang ang mga guro sa magulong sistema ng pagpapautang at paniningil sa ilalim ng Automatic Payroll Deduction System (APDS) na ipinatupad ngayong taon na nagpapalobo sa interes ng utang.

“Ang number 1 naming kinahaharap dyan ay yung deadline ng GSIS, nagbigay sila ng deadline na dapat magbayad ang mga guro ng kanilang mga utang, ang binigay nilang deadline ay hanggang October 1 nalang, pinalobo niyo ang interest ngayon sasabihin niyo kasalanan ng guro…” pahayag ni Enguerra sa panayam sa Radyo Veritas.

Dahil dito, mariin ang panawagan ng Teachers’ Dignity Coalition upang makipagdayalogo sa Department of Education na kanilang Mother Agency upang matalakay ang naturang usapin at sila ay magabayan.

Sa tala ng TDC, sa 26,000 na gurong nagretiro noong nakalipas na taon ang wala nang natanggap o nakuhang benepisyo dahil sa utang ng mga ito sa GSIS.

Binibigyang diin ng Simbahan na kinakailangang kasabay ng pagpapatatag sa sistema ng edukasyon sa bansa ay ang pagkalinga sa kapakanan ng mga guro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 37,998 total views

 37,998 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 60,064 total views

 60,064 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 75,760 total views

 75,760 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 83,195 total views

 83,195 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 144,538 total views

 144,538 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top