Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 129,548 total reads

Sila ang pinagpala., ang 15 kumpanyang ito ang nakakuha ng mahigit sa 100-bilyong pisong flood control projects 0 20-porsiyento ng kabuuang flood control projects sa buong Pilipinas.

Kapanalig, mayroong 6,021 na flood control projects na nagkakahalaga ng P350 billion. Ang masaklap,ang uri ng flood control structures na ginawa, kinumpuni o isinailalim sa rehabilitasyon ay hindi specified.

Ang lucky 15 ay kinabibilangan ng Legacy Construction Corporation, Alpha & Omega General Contractor & Development Corporation, St. Timothy Construction Corporation, QM Builders, EGB Construction Corporation, Topnotch Catalyst Builders Inc., Centerways Construction and Development Inc., Sunwest Inc., Hi-Tone Construction & Development Corporation, Triple 8 Construction & Supply Inc., Royal Crown Monarch Construction & Supplies Corporation, Wawao Builders, MG Samidan Construction, L.R. Tiqui Builders Inc., and Road Edge Trading & Development Services.

Nakapasuwerte ng mga kumpanyang ito Kapanalig, sila ang laging nanalo sa bidding., sa kanila lang ini-award ang multi-bilyong pisong kontrata. Ang nakakalungkot, mga depektibo at substandard ang kanilang mga proyekto., bukod sa malasadong proyekto, ang mga kumpanyang ito ay sangkot sa maraming “ghost flood control projects” o mga proyekto na hindi nag-eexist o proyekto lamang sa papel.

Natuklasan sa pagbubunyag ng Office of the President na ilan sa mga kumpanyang ito ay konektado at pag-aari ng mga pulitiko. Base sa website ng DPWH, ang Alpa & Omega ay pag-aari ni Cesarah Rowena Discaya, na natalo kay Pasig City Mayor Vico Sotto sa nakaraang 2025 midterm elections.

Ang Sunwest Inc., naman ay itinatag noong 1997 ni AKO Bicol Rep. Elizaldy Co kung saan nakatala namang pangulo ay si Aderma Angeles. Akalain mo Kapanalig, ang isang bilyunaryo ay nanalong partylist representative. Sa ilalim ng Saligang Batas o 1987 constitution, ang partylist ay nararapat nirerepresenta ng isang mahirap na sektor. Bakit ito nakalusot sa COMELEC?

Kapanalig, ang Centerways Construction and Development Inc., kabilang din sa Lucky 15 ay pag-aari ni Lawrence Lubiano. Si Lubiano lang naman ang top donors ni Senate President Francis Chiz Escudero ng tumakbo ito sa Senado noong 2022 elections. 30-milyon lang naman ang ibinigay nito kay Escudero, kaya bumabawi lang sa utang na lood ang Senador.
Sa kasalukuyan, hindi pa idineklara ang mga kumpanyang ito na imbalido o hindi na maaring mag-bidding sa alinmang government projects. Kapag, hindi tayo naging mapagbantay Kapanalig, makakalusot na naman ang mga kumpanyang ito, lalo’t pinag-uusapan sa kasalukuyan ang panukalang 6.793-trilyong pisong budget para sa taong 2026. Hindi lingid sa ating kaalaman na nailusot ni Senate President Escudero ng minute ang kanyang budget insertions na mahigit sa isang trilyong piso sa bicam report na nilagdaan ng pangulong Marcos.

Kapanalig, ipinagdarasal natin na maging malinis ang budhi ng mga namumuno sa pamahalaan at mga indibidwal na laging isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa kaysa magpataba ng bulsa.

Harinawa manaig sa puso ng mga lider ng bansa ang sinasabi ng Proverbs 28:16 “A ruler who lacks understanding is a great oppressor, but he who hates unjust gain will prolong his days.” At Proverbs 14:31“Those who oppress the poor insult their Maker, but helping the poor honors Him.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 41,073 total reads

 41,073 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 121,083 total reads

 121,083 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 154,530 total reads

 154,530 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 189,829 total reads

 189,829 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 414,804 total reads

 414,804 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 41,074 total reads

 41,074 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 121,084 total reads

 121,084 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 154,531 total reads

 154,531 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 189,830 total reads

 189,830 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top