Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 125,326 total views

Mga Kapanalig, hindi lang dismayado si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa mga anomalyang nakapalibot sa malalaking flood control projects. Galit na raw siya.

Sa sobrang kapalpakan ng mga flood control projects sa kabila ng 548 bilyong pisong ibinuhos ng kanyang administrasyon, iniisip na raw ni PBBM na sampahan ng kasong economic sabotage ang mga nasa likod ng mga ito. 

Binanggit niya ito matapos inspeksyunin noong isang linggo ang isang flood control project sa Baliuag, Bulacan. Nagkakahalaga ng 55.7 bilyong piso ang reinforced concrete river wall sa isang bahagi ng ilog sa lugar. Nagsimula raw ang proyekto noong Pebrero 2025 at matatapos ang kontrata ng developer sa Oktubre ngayong taon. Sa dokumentong ipinasa ng Department of Public Works and Highways (o DPWH), nakumpleto na ang river wall noong June 2025. Nang dumalaw si PBBM sa lugar, wala siyang nadatnan na river wall. Walang ni isang hollow block, walang semento, walang anumang equipment. 

Isa ang proyektong ito sa Baliuag, Bulacan sa mga tinatawag na ghost projects. Sa hearing na isinagawa rin noong isang linggo ng Senate Blue Ribbon Committee, mismong si DPWH Secretary Manuel Bonoan ang nagsabing sa Bulacan pa lang, ang mga ghost flood control projects ay may kabuuang halaga na 5.9 bilyong piso. Napakalaking halaga nito! Kung natuloy lang ang mga proyektong ito, hindi malulubog sa baha ang napakaraming bayan at lungsod sa Bulacan. Kung may unang dapat magalit sa isyung ito, ito ay ang mga taga-Bulacan. Sumama na rin tayo bilang mga taxpayers.

Sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act o ang pambansang budget para sa taóng ito, isa ang mga flood control projects sa mga may pinakamalaking alokasyon—346.6 bilyong piso, mga Kapanalig! Mas mataas ito sa 224.8 bilyong piso noong 2024. Sa ipinasang National Expenditures Program para sa 2026, humihiling ang administrasyon ng 275 bilyong piso para sa mga flood control projects. 

Napakalalaking halaga ng mga ito, pero bakit kalbaryo pa rin ang dinaranas ng mga kababayan natin sa iba’t ibang probinsya tuwing panahon ng tag-ulan? Minsan nga habagat lang ang nagdadala ng ulan at hindi bagyo, pero lubog sa baha ang maraming lugar.

Hindi na dapat pag-isipan ni Pangulong BBM ang pagsasampa ng kasong economic sabotage sa mga tiwaling kontratista at mga kasabwat nilang opisyal sa gobyerno. Gawin na niya ito agad-agad—forthwith din! Ilagay niya ang galit niya sa pagpapanagot sa mga nasa likod ng maanomalyang mga flood control projects

At hindi lang sana sa mga taga-DPWH at mga kontratista. Hindi malayong nakikinabang din ang mga halal na opisyal—mula sa senador at gobernador hanggang sa mga kongresista at mayor. Bilang nagbubusisi at nag-aapruba ng pambansang budget, malamang na nalalaman ng mga nasa Kamara at Senado ang detalye ng mga proyektong popondohan ng pambansang budget. Hindi naman natin sinasabing lahat ng halal na local officials ay kumikita rin sa kickback mula sa mga flood control projects, pero dapat ding matunton kung sinu-sino ang mga gobernandor, kongresista, at mayor na nakakasakop sa mga lugar na pinagtatayuan ng mga flood control projects, kasama ang mga ghost projects. Dahil dito, hindi dapat ang Kongreso—kasama ang Senado—ang nag-iimbestiga sa mga maanomalyang proyektong kontra-baha.

Mga Kapanalig, bumabaha sa katiwalian ang mga flood control projects ng gobyerno—katiwaliang ayon nga sa Deutoronomio 16:19 “ay bumubulag sa matatalino at nagpapahamak sa mga taong matuwid.” Sabi pa sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan, sinisira ng korapsyon ang ating mga institusyon na ang pangunahing tungkulin ay serbisyuhan ang taumbayan. Dahil sa korapsyon, napupunta sa bulsa ng iilan ang pondong dapat ginugugol sa mga pampublikong serbisyo. Kitang-kita natin ito sa mga maanomalyang flood control projects

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 8,168 total views

 8,168 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 75,656 total views

 75,656 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 96,721 total views

 96,721 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 119,494 total views

 119,494 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 156,511 total views

 156,511 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

APAT NA DEKADA

 8,169 total views

 8,169 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 75,657 total views

 75,657 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 96,722 total views

 96,722 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 119,495 total views

 119,495 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »
Scroll to Top