Miyerkules, Setyembre 10, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,548 total reads

Miyerkules ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Colosas 3, 1-11
Salmo 144, 2-3. 10-11. 12-13ab

Ang Diyos ay mapagmahal,
tana’y pinauunlakan.

Lucas 6, 20-26

Wednesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Colosas 3, 1-11

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas

Mga kapatid, binuhay kayong muli, kasama ni Kristo, kaya’t ang pagsumikatan ninyo ay ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Kristo na nakaupo sa kanan ng Diyos. Isaisip ninyo ang mga bagay na panlangit, hindi ang mga bagay na panlupa, sapagkat namatay na kayo at ang tunay na buhay ninyo’y natatago sa Diyos, kasama ni Kristo. Si Kristo ang tunay na buhay ninyo, at pag siya’y nahayag, mahahayag din kayong kasama niya at makakahati sa kanyang karangalan.

Kaya’t dapat nang mawala sa inyo ang mga pitang makalaman: pangangalunya, kahalayan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masasamang nasa, at ang pag-iimbot na isang uri ng pagsama sa diyus-diyusan. Dahil sa mga bagay na ito, ang Diyos ay napopoot sa mga taong lumalabag sa kanyang kalooban. Noong una, nang pinaghaharian pa kayo ng masasamang pita, namuhay rin kayong kasama-sama ng mga taong gumagawa niyon.

Ngunit ngayon, itakwil ninyo ang lahat ng ito: galit, poot, at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panunungayaw, at malaswang pananalita. Huwag kayong magsisinungaling sa isa’t isa yamang hinubad na ninyo ang dating pagkatao pati ng mga gawa nito at nagbihis na ng bagong pagkatao. Patuloy itong nababago ayon sa larawan ng Diyos na lumikha sa inyo, upang maging ganap ang inyong kaalaman tungkol sa kanya. Kaya’t wala nang pagkakaiba ang Griego at ang Judio, ang tuli at ang di tuli, ang dayuhan at ang mabangis na tao, ang alipin at ang malaya. Kay Kristo, walang pagkakaiba ang lahat at siya’y sumasalahat.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 2-3. 10-11. 12-13ab

Ang Diyos ay mapagmahal,
tana’y pinauunlakan.

Pupurihin ko’t pasasalamatan ang Diyos araw-araw,
di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.
Dakila ang Poon, at karapat-dapat na siya’y purihin;
ang kadakilaan niya ay mahirap nating unawain.

Ang Diyos ay mapagmahal,
tana’y pinauunlakan.

Magpupuring lahat sa iyo, O Poon, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian,
at ibabalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.

Ang Diyos ay mapagmahal,
tana’y pinauunlakan.

Dakila mong gawa’y upang matalastas ng lahat ng tao,
mababatid nila ang kadakilaan ng paghihirap mo.
Ang paghahari mo’y sadyang walang hanggan, hindi magbabago.

Ang Diyos ay mapagmahal,
tana’y pinauunlakan.

ALELUYA
Lucas 6, 23ab

Aleluya! Aleluya!
Magalak kayo’t magdiwang
malaki ang nakalaang
gantimpala ninyong tanan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 6, 20-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, tumingin si Hesus sa mga alagad, at kanyang sinabi,
“Mapalad kayong mga dukha, sapagkat ang Diyos ang maghahari sa inyo!”
“Mapalad kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo’y bubusigin!”
“Mapalad kayong mga tumatangis ngayon, sapagkat kayo’y magagalak!”
“Mapalad kayo kung dahil sa Anak ng Tao kayo’y kinapopootan, ipinagtatabuyan at inaalimura ng mga tao, at pati ang inyong pangalan ay kinasusuklaman. Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung ito’y mangyari, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit — gayun din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.”
“Ngunit sa aba ninyong mayayaman ngayon, sapagkat nagtamasa na kayo ng kaginhawahan!”
“Sa aba ninyong mga busog ngayon, sapagkat kayo’y magugutom!”
“Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon, sapagkat kayo’y magdadalamhati at magsisitangis!”
“Sa aba ninyo, kung kayo’y pinupuri ng lahat ng tao, sapagkat gayun din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Mayaman man o mahirap, lahat tayo ay sama-samang tinatawag ng Diyos bilang kanyang mga anak ng Kaharian. Manalangin tayo sa Ama nang may tunay na puso.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng pagpapala, lingapin Mo kami.

Ang Simbahang dumaranas ng pag-uusig nawa’y patuloy na kumapit sa pananampalataya at tipunin ang lahat sa pagkakaisa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha at mga nangagugutom nawa’y tumanggap ng kanilang kabusugan sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod ng ating mga pinuno, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga sumasampalatayang inuusig, iniinsulto, kinamumuhian, at inaabuso nawa’y magbunyi sa kasiyahan ng Kahariang naghihintay sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga matatanda nawa’y makadama ng kasiguruhan sa pamamagitan ng ating pag-ibig at pag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y tumanggap ng habag ng Panginoon sa tulong ng ating mga panalangin, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, pakinggan mo ang aming mga hinaing. Nawa’y ipahayag ng aming buhay ang kaligayahang inihanda mong maging amin sapagkat ikaw ay aming Panginoon, ngayon at magpakailanman. Amen.

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 81,189 total reads

Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure Program o national budget, nagbubunyi ang mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, at Mataas na Kapulungan o Senado. Bakit, dahil sa pork barrel funds na naunang idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema noong November 19, 2023 matapos mabunyag ang multi-bilyonng pisong Priority Development Assistance Fund na kinasasangkutan ng mga Senador at Kongresista.

Ang mga sangkot noon na mambabatas ay nakalaya at pinawalang sala. Matapos ang PDAF scam, tuloy ang ligaya ng mga mambabatas, pinapalitan lamang ito ng ibang pangalan kada taon kapag tinatalakay ang national budget sa Kamara at Senado bago lagdaang batas ng pangulo ng Pilipinas ang General Appropriations Act.

Noong nakaraang taon, nabunyag ang mahigit sa 500-bilyong pisong flood control projects scam na nakalagay bilang unprogrammed appropriations na pinalusot ng Kongreso. 5-Senador, maraming kongresista, kanilang mga kakutsaba sa DPWH, at mga kontraktor ang dawit sa katiwalian.

Bakit taon-taon, pinagpipiyestahan ng mga mambabatas, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan ang pondo ng bayan, ang pera ng taumbayan? Paano, walang napaparusahan, walang system of accountability sa gobyerno. Nagpapatuloy ang katakawan ng mga taong gobyerno at wala ni isa man sa kanila ang maipakukulong, kawawa ang bansa. Lalong maghihirap ang karamihann sa mga Pilipino. Wala nang aasahan sapagkat ang perang para sana sa pagpapaunlad ng bayan ay dinambong na.

Nakakalungkot, ipinahayag ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang dagdag na ₱449.5 bilyon sa unprogrammed appropriations sa 2024 national budget, gayundin ang ₱17.99 bilyong dagdag sa Special Road Fund ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa 2025 budget.

Ipinawalang-bisa rin ng Kataas-taasang Hukuman ang ilang probisyon tungkol sa unprogrammed appropriations sa 2026 national budget dahil sa hindi pagsunod ng mga mambabatas sa rekisito ng Konstitusyon at pananggalang sa wastong pamamahala sa pondo ng bayan.

Ngunit huli na Kapanalig, wala ding mapaparusahan sa mga mambabatas na itinago ang pagkakakitaan sa pamamagitan ng unprogrammed appropriations. Sino-sino ang hahabulin, sino-sino ang dapat managot sa katakawan sap era ng taumbayan?

Pagkatapos ng deklarasyon ng Korte Suprema? Ano ang kasunod? Balik na naman sa dating gawi ang ating mga mambabatas, magagaling sa pagnanakaw!

Kapanalig, mahalagang pagnilayan ang sinasabi ng Corinthians 5:10 “For we must all appear before the judgment seat of Christ, so that each of us may receive what is due for us, for the things done while in the body, whether good or bad.”

Ipinapayo din ng Luke 19:5 “Come down from your arrogance and greed. Choose conversion, make restitution, and repair the damage you have caused. There can be no true peace without justice, and no justice without repentance.

Ang problema, kung wala nang konsensiya ang mga opisyal ng bayan., dumidilim ang kinabukasan ng taumbayan at ating bayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

A REFRESHING WIND OF CHANGE FROM SERBIA

 8,559 total reads

Amid the wave of student protests sweeping across Europe, some of which have unfortunately turned violent, I find this story from Serbia particularly refreshing.

In an October 21 opinion article in The New York Times, Serbian scholar Filip Balunović describes how a student protest movement that began almost two years ago has grown into a remarkable experiment in participatory democracy.

It began with a tragedy in November 2024, when the collapse of a railway station canopy in Novi Sad killed 16 people. The students demanded accountability for what they believed was a disaster caused by corruption and government negligence. Their protests grew into a nationwide movement challenging the government of President Aleksandar Vučić, whose party has dominated Serbian politics for 14 years.

But what is particularly inspiring is how these young people have moved beyond protesting against something to organizing themselves for something.

Instead of rallying behind a charismatic political personality, they developed a system of collective leadership and democratic decision-making. Through consultations, interviews, and deliberations involving thousands of students, they selected a slate of 250 parliamentary candidates—not merely politicians, but professors, scientists, doctors, workers, artists, and ordinary citizens.

And now, in the snap parliamentary elections this coming Sunday, October 25, this student-led movement will face the country’s entrenched political establishment.

What a fascinating David-and-Goliath story!

Of course, the outcome remains uncertain. The students themselves have suffered intimidation, arrests, and violence. But whatever happens on election day, they have already demonstrated something important: Democracy is not just about changing the people in power. It is also about changing the way power is exercised, shared, and held accountable.

I cannot help wondering what our young Filipinos might learn from this experience.

We have a generation of young people who are increasingly disillusioned with corruption, political dynasties, patronage politics, and the apparent inability of our democratic institutions to hold the powerful accountable.

But perhaps Serbia’s students are reminding us that indignation alone is not enough. Neither is merely replacing one set of political personalities with another.
What we need is a deeper renewal of our democratic culture—one that encourages participation rather than dependency, collective discernment rather than personality cults, public accountability rather than blind loyalty, and the common good rather than vested interests.

I find something profoundly hopeful in young people who refuse to surrender either to cynicism or to violence, and who are willing to undertake the patient and difficult work of building democratic institutions.

Perhaps this is the most refreshing lesson from Serbia: The young are not merely the future of democracy. They can already be among its most creative builders today.

And perhaps the real victory of David over Goliath begins long before election day—when ordinary people discover that they need not remain powerless before seemingly invincible political giants.

(Filip Balunović, ⁠The New York Times⁠, October 21, 2026⁠

INEVITABLE

 9,949 total reads

Gospel Reading for October 22, 2026 – Luke 12: 49-53

INEVITABLE

Jesus said to his disciples: “I have come to set the earth on fire, and how I wish it were already blazing! There is a baptism with which I must be baptized, and how great is my anguish until it is accomplished! Do you think that I have come to establish peace on the earth? No, I tell you, but rather division. From now on a household of five will be divided, three against two and two against three; a father will be divided against his son and a son against his father, a mother against her daughter and a daughter against her mother, a mother-in-law against her daughter-in-law and a daughter-in-law against her mother-in-law.”

————

It is ironic to see religions dividing people in today’s world. Worse still, religion can cause division within a family, when it is supposed to bring love and peace to the family. But as Jesus said, he would cause division even within families. This happens when family members are baptized Christians but are merely nominal Christians. When family members do not embrace or live by the teachings of Jesus, division becomes INEVITABLE.

This is even more challenging in interfaith marriages, which, according to some studies, generally experience higher rates of divorce and lower marital satisfaction than marriages between people of the same faith. Issues such as where the children will be baptized, which schools they will attend, and other religious differences can cause unnecessary stress and friction between spouses.

How important it is for family members to be on the same page as Jesus so that the family may be healthy, united, and purposeful.

Lord Jesus, may our families be Christ-centered by listening attentively to your Word and putting it into practice, so that we may enjoy love and peace in our families. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 81,190 total reads

 81,190 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 128,669 total reads

 128,669 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 176,540 total reads

 176,540 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 280,488 total reads

 280,488 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 362,831 total reads

 362,831 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Oktubre 26, 2026

 407 total reads

 407 total reads Lunes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 4, 32 – 5, 8 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Lahat kayong

Read More »

Linggo, Oktubre 25, 2026

 2,971 total reads

 2,971 total reads Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Exodo 22, 20-26 Salmo 17, 2-3a 3bk-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. 1

Read More »

Sabado, Oktubre 24, 2026

 4,733 total reads

 4,733 total reads Sabado ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Claret, obispo o kaya Paggunita sa Mahal

Read More »

Biyernes, Oktubre 23, 2026

 6,222 total reads

 6,222 total reads Biyernes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Juan Capistrano, pari Efeso 4, 1-6 Salmo 23, 1-2.

Read More »

Huwebes, Oktubre 22, 2026

 7,291 total reads

 7,291 total reads Huwebes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Juan Pablo II, papa Efeso 3, 14-21 Salmo 32,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top