Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Martes, Setyembre 9, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,145 total views

Martes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay San Pedro Claver, pari

Colosas 2, 6-15
Salmo 144, 1-2. 8-9. 10-11

Ang Diyos ay mapagmahal,
tana’y pinauunlakan.

Lucas 6, 12-19

Tuesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Peter Claver, Priest (White)

UNANG PAGBASA
Colosas 2, 6-15

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas

Mga kapatid, yamang tinanggap ninyong Panginoon si Kristo Hesus, mamuhay kayo sa paraang karapat-dapat sa kanya. Manatili kayo sa kanya at isalig sa kanya ang inyong buhay. Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at laging magpasalamat sa Diyos.

Mag-ingat kayo upang hindi mabihag ninuman sa pamamagitan ng walang kabuluhan at magdarayang aral at hindi nasasalig kay Kristo kundi sa sabi-sabi ng matatanda at sa mga tuntunin ng sanlibutan. Sapagkat ang buong kalikasan ng Diyos ay na kay Kristo nang siya’y maging tao at dahil sa inyong pakikipag-isa sa kanya, naging ganap ang inyong buhay. Sakop niya ang lahat ng kapangyarihan at kapamahalaan.

Dahil sa pakikipag-isa kay Kristo, kayo’y tinuli hindi sa laman kundi sa pagwawaksi ng masamang hilig ng laman. Ito ang pagtutuling mula kay Kristo. Nang kayo’y binyagan, nalibing kayong kasama ni Kristo at muling nabuhay na kasama niya dahil sa inyong pananalig sa kapangyarihan ng Diyos na muling bumuhay sa kanya. Kayong mga Hentil na dating patay dahil sa kasalanan ay muling binuhay ng Diyos na kasama ni Kristo. Pinatawad niya tayo sa ating mga kasalanan at pinawalang-bisa ang lahat ng kasulatan laban sa atin, pati mga pananagutang kaugnay nito. Pinawi niya ang lahat ng ito nang ipako siya sa krus. Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, nilupig niya ang mga pinuno at kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito’y parang mga bihag na kanyang ipinarada sa madla bilang katunayan ng kanyang pagtatagumpay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 1-2. 8-9. 10-11

Ang Diyos ay mapagmahal,
tana’y pinauunlakan.

Ang kadakilaan ng Diyos ko at Hari, aking ihahayag,
di ko titigilan magpakailanman ang magpasalamat,
aking pupurihi’t pasasalamatan siya araw-araw,
di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.

Ang Diyos ay mapagmahal,
tana’y pinauunlakan.

Ang Panginoong D’yos ay puspos ng pag-ibig at lipos ng habag,
banayad magalit, ang pag-ibig niya’y hindi kumukupas.
Siya ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi;
sa kanyang nilikha, ang pagtingin niya ay mamamalagi.

Ang Diyos ay mapagmahal,
tana’y pinauunlakan.

Magpupuring lahat sa iyo, O Poon, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian,
at ibabalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.

Ang Diyos ay mapagmahal,
tana’y pinauunlakan.

ALELUYA
Juan 15, 16

Aleluya! Aleluya!
Hinirang tayo ni Kristo
upang mamungang totoo
bilang mabubuting tao.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 6, 12-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, umahon si Hesus sa isang burol at magdamag doong nanalangin. Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad, at pumili siya ng Labindalawa sa kanila, na tinawag niyang mga apostol: si Simon na pinangalanan niyang Pedro, at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, at Santiago na anak ni Alfeo, si Simon ang Makabayan; si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote, na naging taksil.

Bumaba si Hesus, kasama sila, at tumayo sa isang patag na lugar. Naroon ang marami sa kanyang mga alagad at ang napakaraming tao buhat sa Judea at Jerusalem, at sa mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon. Pumaroon sila upang makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Pinagaling din niya ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu. At sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya sapagkat may taglay siyang kapangyarihang makapagpagaling ng lahat.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Tinatawag tayo ng Diyos bilang kanyang hinirang upang sundin ang kanyang kalooban. Manalangin tayo nang may pananalig sa Diyos na nagnanais na ang kanyang bayan ay mamagitan para sa sandaigdigan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, pakinggan mo kami kay Kristo.

Ang Simbahan, sa pamamagitan ng Santo Papa at ng mga obispo, nawa’y umakay sa atin sa kaganapan ng buhay Kristiyano, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mambabatas nawa’y gabayan ang ating bayan para sa kasiguruhan ng kinabukasan at kaunlaran ng ating bayan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magsumikap at maging tapat sa ating bokasyon na itinakda ng Diyos para gampanan natin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga matatanda, maysakit, at nalulumbay nawa’y matagpuan ang presensya ng Diyos sa kanilang mga pagsubok at paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mamahinga sa kapayapaan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, narito kaming nananalangin upang gawin ang kalooban mo. Tanggapin mo nawa kami sa pamamagitan ng iyong bugtong na Anak, siya na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,342 total views

 73,342 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,337 total views

 105,337 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,129 total views

 150,129 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,079 total views

 173,079 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,477 total views

 188,477 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 28,562 total views

 28,562 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 28,793 total views

 28,793 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 29,279 total views

 29,279 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 20,406 total views

 20,406 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 20,515 total views

 20,515 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top