Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwebes, Setyembre 25, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,131 total views

Huwebes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Ageo 1, 1-8
Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

Lucas 9, 7-9

Thursday of the Twenty-fifth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Ageo 1, 1-8

Ang simula ng aklat ni Propeta Ageo

Ikalawang taon noon ng pamamahala ni Haring Dario sa Persia. Nang unang araw ng ikaanim na buwan, tinawag ng Panginoon si Propeta Ageo. Ipinasabi niya kay Zorobabel na gobernandor ng Juda at anak ni Sealtiel at sa punong saserdoteng si Josue na anak naman ni Josadac, “Ganito ang sinabi ng Panginoon: Ipinamamalita ng bansang ito na hindi pa panahon upang muling itayo ang templo.”

Sinabi nga ng Panginoon sa mga Israelita sa pamamagitan ni Propeta Ageo, “Magaganda’t maaayos ang inyo mga tahanan ngunit pinababayaan ninyong wasak ang aking bahay. Isipin ninyo ang inyong kalagayan. Marami ang inyong inihahasik ngunit kakaunti ang inaani. Kumakain nga kayo ngunit hindi nabubusog. Umiinom kayo ngunit hindi nasisiyahan. Kumikita nga ang mga manggagawa ngunit ang kita nila’y parang nahuhulog sa buslong butas. May damit nga kayo ngunit hindi makaalis ng ginaw. Isipin ninyo ang nangyayari sa inyo. Kumuha kayo ng kahoy sa bundok. Gawin ninyo uli ang templo at doon ko ihahayag ang aking kaningningan. Sa gayun, ako’y masisiyahan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

o kaya: Aleluya.

Ang Panginoo’y purihin, awitan ng bagong awit,
purihin sa pagtitipon ng tapat sa pananalig.
Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha;
dahilan sa iyong hari, ikaw Sion ay matuwa.

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan;
alpa’t tambol ay tugtugin at siya ay papurihan.
Panginoo’y nagagalak sa kanyang mga hirang.
Sa nangagpapakumbaba’y tagumpay ang ibibigay.

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga hirang.
Sa kanilang pagpipista ay magsaya’t mag-awitan.
Sa pagpuri sa Panginoon, ay bayaang magsigawan.
Ang tatanggap ng tagumpay, ay ang kanyang mga hirang.

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

ALELUYA
Juan 14, 6

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohana’t Buhay
patungo sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 9, 7-9

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, nabalitaan ni Herodes na tetraka ng Galilea ang lahat ng ginagawa ni Hesus. Nagulo ang kanyang isip, sapagkat may nagsasabing muling binuhay si Juan Bautista. May nagasasabi namang lumitaw si Elias, at may nagsasabi pang muling nabuhay ang isa sa mga propeta noong una. Kaya’t ang sinabi ni Herodes, “Pinapugutan ko si Juan; ngunit sino ang nababalitang ito? Marami akong naririnig tungkol sa kanya.” At pinagsikapan niyang makita si Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Alam natin na napakaraming kasamaan sa mundo. Sa pamamagitan ng Kamatayan at Muling Pagkabuhay, nagapi ni Jesus ang kasamaan. Manalangin tayo sa Ama upang magwagi ang kabutihan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sinagan nawa kami ng iyong liwanag, O Panginoon.

Ang Simbahang naglalakbay nawa’y magbigay ng liwanag sa mga tao para baguhin ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng tapat na pagsaksi kay Kristo sa kanilang salita at gawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga bansa nawa’y isuko ang walang saysay na pagkakaroon ng makapangyarihan at mapanirang gamit pandigmaan at sa halip mamuhay sila nang sama-sama, mapayapa at nagkakasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga inuusig dahil sa kanilang paniniwala nawa’y magtagumpay na makamit ang kanilang kalayaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y tumangaap ng kalinga ng pag-ibig ng Diyos mula sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makalaya na sa mga kaguluhan ng mundong ito at magkamit ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, patuloy mo kaming hilumin sa lahat ng kasamaan at hayaan mo na ang iyong kabutihan ang patuloy na magliwanag sa amin sa kapangyarihan ni Jesu-Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 23,981 total views

 23,981 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 45,046 total views

 45,046 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 68,068 total views

 68,068 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 107,054 total views

 107,054 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Hunyo 27, 2026

 104 total views

 104 total views Sabado ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Cirilo ng Alejandria, obispo at pantas ng Simbahan o kaya Paggunita sa

Read More »

Biyernes, Hunyo 26, 2026

 1,652 total views

 1,652 total views Biyernes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 25, 1-12 Salmo 136, 1-2. 3. 4-5. 6 Kung ika’y aking limutin, wala

Read More »

Huwebes, Hunyo 25, 2026

 3,032 total views

 3,032 total views Huwebes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 24, 8-17 Salmo 78, 1-2. 3-5. 8. 9 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Miyerkules, Hunyo 24, 2026

 4,424 total views

 4,424 total views Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista Isaias 49, 1-6 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Pinupuri kita, D’yos ko, dahil ako’y nilikha

Read More »

Martes, Hunyo 23, 2026

 4,772 total views

 4,772 total views Martes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 19, 9b-11. 14-21. 31-35a. 36 Salmo 47, 2-3a. 3b-4. 10-11 Lungsod ng D’yos

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top