Human trafficking, lalabanan ng CBCP-ECMI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,578 total reads

Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtutok sa pagsusulong sa misyon ng Simbahan laban sa patuloy na suliranin ng human trafficking sa lipunan.

Bilang patuloy na pagpapalakas sa kaalaman at kakayahan ng Simbahan sa pagtugon sa nasabing usapin ay pinangasiwaan ng komisyon ang pagsasagawa ng ikaanim na Capacity Training to Combat Human Trafficking na isinagawa para sa Archdiocese of Manila.

Naganap ang dalawang araw na pagsasanay noong Agosto 29–30, 2025 sa Pope Pius XII Catholic Center, UN Avenue, Manila katuwang ang Archdiocesan Commission for Migrants and Itinerant People (ACMI) at Arise Foundation.

Dumalo sa dalawang araw ba pagsasanay ang 24 na piling kinatawan mula sa iba’t ibang parokya at ministry ng Arkidiyosesis ng Maynila na siyang bubuo sa Archdiocesan Committee Against Human Trafficking (ACAHT Manila).

“The CBCP-ECMI conducted its 6th Capacity Training to Combat Human Trafficking for the Roman Catholic Archdiocese of Manila (RCAM), in partnership with the Archdiocesan Commission for Migrants and Itinerant People (ACMI), on August 29–30, 2025, at the Pope Pius XII Catholic Center, UN Avenue, Manila. A total of 24 participants from various parishes and ministries within the Archdiocese attended the training. They were carefully selected to form the Working Team tasked with establishing the Archdiocesan Committee Against Human Trafficking (ACAHT Manila). The training was supported by the Arise Foundation.” Pagbabahagi ng CBCP-ECMI.

Tampok sa ikalawang araw ng pagsasanay na pinangasiwaan ni ECMI Luzon Coordinator Edmund Ruga ang talakayan hinggil sa layunin ng pagtatatag ng komite at pagbuo ng action plan para sa Arkidiyosesis ng Maynila.

Kabilang sa mga konkretong inisyatibo na isusulong ng bagong komite ay ang pagsasagawa ng courtesy visit ng working team kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula; at paglulunsad ng mga information at awareness campaigns sa mga paaralan, parokya, at barangay kaugnay sa panganib ng human trafficking.

Bukod dito inaasahan rin ang paghahanda ng isang Manila Summit on Human Trafficking na layuning pagtibayin ang pakikipagtulungan ng Simbahan at ng limang lokal na pamahalaan sa ilalim ng arkidiyosesis upang maprotektahan ang mga mamamayan mula sa iba’t ibang uri ng human trafficking sa lipunan.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, ipinakita ng Simbahan ang patuloy na misyon nitong ipaglaban ang dignidad ng bawat tao at maging katuwang ng lipunan sa pag-ugat ng solusyon laban sa human trafficking.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 39,213 total reads

 39,213 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 33,243 total reads

 33,243 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 68,340 total reads

 68,340 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 170,163 total reads

 170,163 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 210,722 total reads

 210,722 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 229,940 total reads

 229,940 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 39,214 total reads

 39,214 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top