Katiwalian sa flood control projects, pangwawasak sa buhay at kabuhayan ng mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,033 total reads

Mariing kinondena ng Church Leaders Council for National Transformation ang malawakang katiwalian sa mga flood control project ng bansa na tinawag nilang ‘pangwawasak ng kabuhayan ng bansa at lubos na kasamaan.’

Pinangunahan nina Bishop Colin Bagaforo ng Caritas Philippines, Bishop Robie Gaa ng Novaliches, at Bishop Efraim Tendero ng Evangelical Churches of the Philippines, inilabas ng konseho ang kanilang pahayag matapos ibunyag ni Senador Panfilo Lacson na bilyong pisong pondo para sa mga flood control projects ang nauwi sa mga ghost project, mababang kalidad na imprastraktura, at palakasan system.

Ayon sa ulat, tinatayang apatnapung porsiyento lamang ng pondo ang tunay na nagamit para sa nararapat nitong layunin.

Ayon kay Bishop Bagaforo, ang iskandalong ito ang dahilan kung bakit patuloy na lumulubog sa baha ang mga siyudad, mas matindi ang pinsala tuwing may bagyo, at may mga inosenteng buhay na nasasawi.

“This scandal has left our cities submerged, amplified the devastation of typhoons, and claimed innocent lives. It is a betrayal of the people’s dignity,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Iginiit naman ni Bishop Gaa, bawat pisong nananakaw ay buhay na nalalagay sa panganib at bawat tiwaling kasunduan ay baha na sumisira sa kinabukasan ng bansa.

“Every peso stolen is a life put at risk. Every corrupt deal is a flood that submerges our nation’s future,” ayon naman kay Bishop Gaa.

Binigyang-diin ng konseho ang turo ng Simbahan na ang korapsyon ay tuwirang nagdudulot ng pagkasira ng kalikasan at mas mabigat na pasanin sa mahihirap.

Kasabay ng Season of Creation, nanawagan ang mga obispo sa publiko na manindigan para sa transparency, igiit ang reporma upang matiyak na tama ang paggamit ng pondo, at itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan bilang anyo ng katarungan para sa mga mahihirap.

Sa kanilang paninindigan, tiniyak ng mga obispo na hindi sila mananahimik, kundi’y makikibaka kasama ng mga naaapi, ilalantad ang katiwalian, at magsusulong ng tunay na pagbabago para sa bansa.

“We will stand with the poor, we will expose corruption, and we will work for national transformation.”

COMELEC, Tatalima sa Batas

 40,040 total reads

 40,040 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 34,767 total reads

 34,767 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 69,740 total reads

 69,740 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 171,560 total reads

 171,560 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 212,119 total reads

 212,119 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 231,281 total reads

 231,281 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top