Human trafficking, lalabanan ng CBCP-ECMI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,634 total reads

Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtutok sa pagsusulong sa misyon ng Simbahan laban sa patuloy na suliranin ng human trafficking sa lipunan.

Bilang patuloy na pagpapalakas sa kaalaman at kakayahan ng Simbahan sa pagtugon sa nasabing usapin ay pinangasiwaan ng komisyon ang pagsasagawa ng ikaanim na Capacity Training to Combat Human Trafficking na isinagawa para sa Archdiocese of Manila.

Naganap ang dalawang araw na pagsasanay noong Agosto 29–30, 2025 sa Pope Pius XII Catholic Center, UN Avenue, Manila katuwang ang Archdiocesan Commission for Migrants and Itinerant People (ACMI) at Arise Foundation.

Dumalo sa dalawang araw ba pagsasanay ang 24 na piling kinatawan mula sa iba’t ibang parokya at ministry ng Arkidiyosesis ng Maynila na siyang bubuo sa Archdiocesan Committee Against Human Trafficking (ACAHT Manila).

“The CBCP-ECMI conducted its 6th Capacity Training to Combat Human Trafficking for the Roman Catholic Archdiocese of Manila (RCAM), in partnership with the Archdiocesan Commission for Migrants and Itinerant People (ACMI), on August 29–30, 2025, at the Pope Pius XII Catholic Center, UN Avenue, Manila. A total of 24 participants from various parishes and ministries within the Archdiocese attended the training. They were carefully selected to form the Working Team tasked with establishing the Archdiocesan Committee Against Human Trafficking (ACAHT Manila). The training was supported by the Arise Foundation.” Pagbabahagi ng CBCP-ECMI.

Tampok sa ikalawang araw ng pagsasanay na pinangasiwaan ni ECMI Luzon Coordinator Edmund Ruga ang talakayan hinggil sa layunin ng pagtatatag ng komite at pagbuo ng action plan para sa Arkidiyosesis ng Maynila.

Kabilang sa mga konkretong inisyatibo na isusulong ng bagong komite ay ang pagsasagawa ng courtesy visit ng working team kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula; at paglulunsad ng mga information at awareness campaigns sa mga paaralan, parokya, at barangay kaugnay sa panganib ng human trafficking.

Bukod dito inaasahan rin ang paghahanda ng isang Manila Summit on Human Trafficking na layuning pagtibayin ang pakikipagtulungan ng Simbahan at ng limang lokal na pamahalaan sa ilalim ng arkidiyosesis upang maprotektahan ang mga mamamayan mula sa iba’t ibang uri ng human trafficking sa lipunan.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, ipinakita ng Simbahan ang patuloy na misyon nitong ipaglaban ang dignidad ng bawat tao at maging katuwang ng lipunan sa pag-ugat ng solusyon laban sa human trafficking.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 104,617 total reads

 104,617 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 189,998 total reads

 189,998 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 253,837 total reads

 253,837 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 334,214 total reads

 334,214 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 412,376 total reads

 412,376 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top