Paigtingin ang pagdarasal ng rosaryo, apela ni Bishop Ayuban sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,130 total reads

Isinulong ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. ang pagpapalakas at panunumbalik ng mga Pilipino sa pagdarasal ng rosaryo.

Ito ang buod ng mensahe ng Obispo sa naging pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Nuestra Señora del Santísimo Rosario La Naval de Manila sa Santo Domingo Church – National Shrine of Our Lady of the Holy Rosary of La Naval de Manila sa Quezon City.
Ayon sa Obispo, nawa sa tulong ng pagpapalalim sa pagdedebosyon sa Mahal na birheng Maria at pagdadasal ng rosaryo ay mahilom ng Panginoon sa pamamagitan ni Maria ang Pilipinas higit na laban sa mga kalamidad at suliranin na kinarap sa mga nakalipas na buwan at taon.

Ito ay katulad ng mga magkakasunod na bagyo, lindol at pagkabunyag sa mga maanomalyang proyekto sa pamahalaan na lubhang naging pasakit para sa pinakamahihirap na Pilipino.

“Bilang inyong Obispo, gusto kong manawagan na paigtingin natin ang pagdarasal ng Rosaryo, bilang inyong Obispo ako’y nananawagan na atin ibabalik ang ating tradisyon sa pagdarasal ng Rosaryo, I was so touched seeing some video footages of children praying the Rosary during the tremors in Mindanao,” ayon sa mensahe ni Bishop Ayuban.

Panalangin ng Obispo, nawa sa pamamagitan ni Maria at panunumbalik sa Santo Rosaryo ay magkaroon ng katatagan ng loob ang mga Pilipino na higit pang manindigan laban sa mali at magkaroon ng konsensya ang mga tiwaling opisyal upang maibalik ang mga ninakaw sa kaban ng bayan.

Kasabay ng pagdarasal ng Rosaryo ay hinimok ni Bishop Ayuban ang mga Pilipino, higit na ang mga mananampalataya ng Diocese of Cubao na magsuot ng puti sa pagsisimba tuwing araw ng linggo at magsabit ng mga puting laso sa mga simbahan at kanilang tahanan hanggang Nobyembre.

“‘Hate the sin but love and pray for the sinner’ kahit mahirap silang mahalin, ang tunay na anak ni Maria ay hindi nananahimik sa harap ng kasamaan, ngunit sa halip ako ay nag-aanyaya sa inyo at sa lahat sa mga sangkot sa korapsyon na magbalik loob at magsauli sa ninakaw na kaban ng bayan,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Ayuban.

Ito ay bilang pakikiisa sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa paglulunsad ng National Day of Prayer and Public Repentance upang higit na kundenahin at manindigan laban sa katiwalian.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 14,988 total reads

 14,988 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 53,083 total reads

 53,083 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 71,293 total reads

 71,293 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 155,622 total reads

 155,622 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 192,284 total reads

 192,284 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 19,581 total reads

 19,581 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top