Lahat ay pantay sa mata ng hustisya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 100,562 total views

Mga Kapanalig, hindi pinagbigyan ng International Criminal Court (o ICC) Pre Trial Chamber I ang kahilingan ng kampo ni dating Presidente Rodrigo Duterte na pansamantalang makalaya mula sa pagkakakulong sa The Hague. 

May tatlong batayan ang desisyong ito. Una, ito ay para matiyak na haharap ang ating presidente sa mga pagdinig. Pangalawa, ito ay para pigilan siyang hadlangan ang pagsisiyasat. Pangatlo, ito ay para hindi siya makagawa ang iba pang krimen. Sineryoso ng hukuman ang mga sinabi ng anak niyang si Vice President Sara Duterte na gagawa sila ng paraan para maitakas ang ama mula sa detention center ng ICC at maibalik siya sa Davao City.  

Back-track lang po tayo. Marso ngayong taon nang arestuhin ang dating pangulo para sa mga kasong crimes against humanity. Nakaugat ang mga kasong ito sa mga extra-judicial killings (o EJK) kaugnay ng pagpapatupad ng kampanya kontra droga. Sa ilalim ng kanyang administrasyon bilang pangulo ng bansa, 12,000 hanggang 30,000 ang mga tinatayang biktima ng EJK. 

Dahil mahihirap na kababayan natin ang karamihan sa mga pinatay sa ngalan ng kampanyang ito ng dating presidente, maituturing na “war against the poor” ang “war on drugs”. Pinagkaitan na nga sila ng karapatang ipagtanggol ang sarili sa harap ng batas, kahit ang kakaunti nilang pagmamay-ari ay hindi pinalampas at ninakaw din. May mga impormasyon pa nga noon na nakatatanggap ng incentive o perang premyo ang mga pulis sa bawat suspek—user man, pusher, o dealer—na kanilang mapapatay. 

Maaaring tayo rin ay naniniwalang salot sa lipunan ang mga sangkot sa ipinagbabawal na gamot. Banta sa ating kaligtasan at seguridad ang turing natin sa kanila. Pero sapat na bang dahilan ito para patayin sila? Para palaganapin ang takot at karahasan sa ating bayan? Para ipagkait sa kanila ang pagkakataon at pag-asang magbago? 

Ang sagot sa huling tanong ay ang diwa ng pagpapanagot kay dating Pangulong Duterte sa ICC. Binibigyan siya ng pagkakataong magpaliwanag sa prosesong alinsunod sa batas at kumikilala sa kakayahan ng sinumang gumawa ng mali na managot, magbago, at humingi ng kapatawaran. Ang desisyon ng ICC na tanggihan ang hiling ng kampo ni dating Pangulong Duterte na pansamantala siyang palayain ay nagpaparating din ng isang malakas na mensahe—kahit ang pinakamalalakas na tao ay mayroon ding pananagutan. Ang sinumang gumawa ng krimen—kahit pa ang mga makapangyarihan—ay may pananagutang dapat harapin.  May hangganan ang tangan nilang kapangyarihan. Hindi sila Diyos. Akmang salita para sa mga makapangyarihang tao ang sinabi ni Yahweh kay Ezekiel: “Nakaluklok kang parang diyos sa gitna ng karagatan bagama’t ang totoo’y hindi ka diyos kundi tao lamang.”

Naniniwala tayong ang pagpapanagot kay dating Pangulong Duterte ay isang hakbang tungo sa hustisya. Hindi ito pang-uusig sa maituturing na pinakasikat na pulitiko sa bansa. Lampasan natin ang pananaw na ito. Lawakan natin ang ating pagtingin sa isyung ito. Bilang mga Kristiyano na naniniwalang nilikha ang taong kawangis ng Diyos, dignidad ng tao—kabilang ang mga kababayan nating pinagkaitan ng katarungan at ang mga pamilyang naulila nila dahil sa war on drugs—ang nakataya. Turo nga sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang anumang labag sa buhay at dignidad ng tao, katulad ng pagpatay, ay lason sa lipunan. Pang-iinsulto rin ito sa Panginoong nagbigay sa atin ng buhay.

Mga Kapanalig, lahat ay pantay sa mata ng hustisya. No one is above the law, ‘ika nga. Kaya hayaan nating gumulong ang hustisya para sa mga biktima ng EJK at sa mga naulila nila. Binigyan ng natatanging pagkakataon si dating Pangulong Duterte na ipagtanggol ang sarili, bagay na ipinagkait ng madugong giyera kontra droga.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 37,393 total views

 37,393 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 43,522 total views

 43,522 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 73,664 total views

 73,664 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 93,438 total views

 93,438 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 112,718 total views

 112,718 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NUMBER’S GAME

 37,394 total views

 37,394 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 43,523 total views

 43,523 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 73,665 total views

 73,665 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 93,439 total views

 93,439 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »
Scroll to Top