Radio Veritas Priest anchor, kinilala ni Archbishop Villegas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,742 total reads

Inalala at pinarangalan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang yumaong Healing Touch anchor na si Fr. Benjamin Deogracias “Benjo” Fajota, sa kanyang tapat at masigasig na paglilingkod bilang pari.

Sa homiliya ng arsobispo sa funeral mass ni Fr. Fajota, inilarawan niya ang yumaong pari bilang isang tinig ng kababaang-loob at pananampalataya na naghatid ng pag-asa sa marami.

That mellow Benjo voice is now quiet. Subalit, that mellow Benjo voice will forever be rewarded by the Lord because the Lord cannot be outdone in generosity,” ayon kay Archbishop Villegas.

Dagdag pa ng arsobispo, ang tinig na iyon ay hindi lamang nagmula kay Fr. Benjo kundi sa mismong tinig ni Hesus na kanyang sinundan sa buong buhay bilang pari.

Sa pamamagitan ng kanyang pagtuturo, sa pamamagitan ng kanyang pangangaral, narinig natin ang tinig ng Diyos. Narinig natin ang mabuting balita. Narinig natin na tayong lahat ay mahal ng Diyos,” pahayag ni Archbishop Villegas.

Ibinahagi rin ni Archbishop Villegas ang mga katangiang bumubuo sa pagkatao ng pari — mahigpit ngunit mapagkumbaba. Ipinaliwanag niya na ang pagiging istrikto ni Fr. Benjo ay hindi bunga ng kayabangan kundi ng pagkilala sa sariling kahinaan.

He was a humble man. He was a strict man because he knew that he was weak. And knowing his weakness, he always clung to the Lord for mercy, for forgiveness, for compassion, for a new beginning, for a new hope all the time. Let the humility of this priest remind us that humility is the crown of all virtues,” dagdag pa ng arsobispo.

Si Fr. Fajota ay naordinahang pari noong 2006 at naglingkod sa iba’t ibang parokya at tanggapan ng Archdiocese of Manila. Kilala rin siya bilang isa sa mga anchor priest ng Healing Touch sa Veritas Friday Edition at regular na tagapagdiwang ng Healing Masses sa Radyo Veritas.

Pumanaw si Fr. Fajota noong Oktubre 9, 2025 dahil sa karamdaman. Isinagawa ang kanyang funeral mass noong Oktubre 14 sa San Roque de Manila Parish — ang huling parokyang kanyang pinagsilbihan bago siya pumanaw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 23,761 total reads

 23,761 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 61,065 total reads

 61,065 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 79,276 total reads

 79,276 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 163,604 total reads

 163,604 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 199,865 total reads

 199,865 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 3,244 total reads

 3,244 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top