Mapaminsalang dredging sa Abra River

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 87,064 total reads

Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng marami sa atin sa mga maanomalyang flood control projects, may nagaganap na dredging operations sa bukana ng Abra River sa Ilocos Sur. Sinasabing isinagawa ang paghuhukay sa ilog para ibsan ang pagbahang dulot ng pag-apaw ng ilog kapag tag-ulan. Flood control project din ito. Makatutulong din daw iyon sa rehabilitasyon ng ilog na umaagos pa mula sa probinsya ng Benguet. Nagsimula pa noong nakaraang taon ang dredging operations ng Isla Verde Mining and Development Company. 

Pero para sa mga mangingisda sa lugar, perwisyo sa kanilang kabuhayan ang ibinubunga ng dredging operations. Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (o PAMALAKAYA), mahigit 9,000 na mangingisda sa mga bayan ng Santa at Caoayan sa Ilocos Sur ang lubha nang naaapektuhan ng proyekto. Itinataboy ng polusyon, dumi, at ingay na nililikha ng paghukay sa ilog ang mga isda. Kung noon ay sobra-sobra ang isdang naiuuwi ng mga mangingisda sa kanilang mga pamilya at naibebenta sa mga mamimili, halos wala na raw silang huli ngayon. 

Simula nang dumating ang mga barkong ginagamit sa paghango ng mga hinukay mula sa ilog, napansin din ng mga mangingisdang naapektuhan na rin ang kalidad ng mga isda at iba pang lamang-dagat na naiwan sa may baybayin. Nangangamoy grasa na raw ang mga isda kaya hindi na nila makain o maibenta ang mga ito. Itinatapon na lang nila ang mga huling hindi na nila mapakikinabangan.

Dahil hindi na makahuli ang mga mangingisda sa mas malapit na katubigan, napipilitan silang maglakbay ng 30 na milya upang makapunta sa lugar na hindi nadadaanan ng mga barko. Bagamat nakahuhuli sila sa malayong parte ng dagat, dagdag-gastos naman ito para sa mga mangingisda. Limandaan hanggang tatlong libong piso ang kailangang gastusin nila para sa gasolina. Kaya naman, ganoon na lamang ang paghihipit ng sinturon ng mga pamilya ng mga mangingisda.

Pati ang kapaligiran ng ilog ay apektado ng dredging. Nasisira ang nakapaligid na mga halaman. Binabago rin ng dredging ang natural na daloy ng tubig, at dahil dito, naaapektuhan ang kalidad ng tubig sa mga sapa, at pati mga lupa sa pampang ay mabilis gumuho. Lahat ng ito, may epekto sa ilog at dagat na pinagmumulan ng kabuhayan ng mga kababayan nating mangingisda sa Ilocos Sur. 

Masasabi ba nating mas matimbang ang positibong epekto ng dredging kaysa sa epekto nito sa buhay ng mga mangingisda at sa kalusugan ng kalikasang nakapaligid sa lugar kung saan isinasagawa ang proyekto?

Pang-aapi sa mga mangingisda ang pagpapatuloy ng mapaminsalang dreging operations sa Abra River. At sabi nga sa Mga Kawikaan 14:31, “Ang umaapi sa mahirap ay humahamak sa Maykapal.” Sa pagtanggal ng kakayahan ng mga kababayan natin sa Santa at Caoyacan sa Ilocos Sur na makahanap ng makakain at magkaroon ng kabuhayan, para na rin nating hinamak ang ating Diyos. 

Turo pa sa Catholic Social Teaching na Laudato Si’, pinakaapektado ng pagkasira ng kapaligiran ang mga kapus-palad nating kapatid, katulad ng mga mangingisda. Anumang pagtugon sa mga isyung pangkapaligiran ay pagtugon din dapat sa mga isyung panlipunan. Dapat nating pakinggan ang pagtangis ng kalikasan at ang pagtangis ng mahihirap. Malinaw na magkaugnay ang buhay ng ating kalikasan at ang buhay nating mga tao, kaya anumang kasiraang nararanasan ng isa ay nakasisira din sa isa. 

Mga Kapanalig, humihingi ng tulong ang mga kababayan nating labis na naapektuhan na ng dredging operations sa Abra River. Nag-aagawan ang maraming isyu para sa atensyon ng publiko, ng media, at ng pamahalaan. Marinig sana ng kinauukulan ang tinig ng mga mangingisdang unti-unti nang nawawalan ng kabuhayan. Ang tinig nila ay tinig din ng kalikasang labis nang napipinsala.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 21,139 total reads

 21,139 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 58,646 total reads

 58,646 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 76,857 total reads

 76,857 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 161,185 total reads

 161,185 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 197,562 total reads

 197,562 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bayan, hindi bayad

 21,140 total reads

 21,140 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 58,647 total reads

 58,647 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 76,858 total reads

 76,858 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 161,186 total reads

 161,186 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »
Scroll to Top