Franciscans, nakikiisa sa mamamayan ng Dupax del Norte sa pagtutol sa pagmimina ng Woggle Corporation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,181 total views

Ipinahayag ng Order of Friars Minor (Franciscans) Philippines ang pakikiisa sa mga residente ng Dupax del Norte, Nueva Vizcaya sa pagtatanggol ng kanilang lupain, kabuhayan, at pamanang kultural laban sa eksplorasyon ng Woggle Corporation.

Ayon kay OFM Minister Provincial Fr. Lino Gregorio Redoblado, ang presensiya ng mga Franciscano sa Diyosesis ng Bayombong ay hindi lamang administratibo kundi pastoral na nakaugat sa pakikibahagi sa buhay, pag-asa, at pakikipaglaban ng mga mamamayan.

“We breathe the same air, walk the same soil, and share in the hopes and wounds of the people entrusted to our care. Because we live among them, we cannot be indifferent,” ayon kay Fr. Redoblado.

Kinikilala rin ng mga Franciscano ang panawagan ni Bishop Jose Elmer Mangalinao na igalang ang lupa bilang tanda ng pagkakakilanlan at tipan—isang pananaw na kaakibat ng espirituwalidad ni San Francisco na itinuturing ang kalikasan bilang “kapatid na Inang lupa” na dapat pangalagaan at hindi pagsamantalahan.

Nananawagan ang mga Franciscano ng agarang pagpapatigil at pagbawi ng lahat ng aktibidad sa pagmimina at eksplorasyon na isinagawa nang walang tunay na Free, Prior, and Informed Consent (FPIC).

Iginiit ni Fr. Redoblado na ang mga proyektong hindi kumikilala sa karapatan at dignidad ng tao ay hindi lamang mapaminsala sa kalikasan kundi labag din sa moralidad at pananampalataya.

“We are not outsiders commenting from afar; we are brothers living among the flock. Their struggle is part of our ministry; their safeguarding of the land is also our Gospel witness,” giit ni Fr. Redoblado.

Hinikayat din ng pari ang buong Franciscan community—mga pari, madre, layko, at kabataan—na patatagin ang pagkakaisa at pagkalinga sa kalikasan, sapagkat ang pangangalaga sa sangnilikha ay pagtalima rin sa Ebanghelyo at sa Diyos ng katarungan.

“For in standing with Dupax del Norte, we stand with the God of justice, with the wounds of creation, and with the future of our common home,” dagdag ni Fr. Redoblado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 11,692 total views

 11,692 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 62,376 total views

 62,376 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 68,505 total views

 68,505 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 98,222 total views

 98,222 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 116,640 total views

 116,640 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LLSP,nagbabala laban sa mga manloloko

 5,978 total views

 5,978 total views Nanawagan si Living Laudato Si’ Philippines executive director Rodne Galicha sa publiko na maging mapanuri bago makibahagi, sumuporta, magbigay ng donasyon, o kumatawan

Read More »
Scroll to Top