Korean mass, gaganapin sa Baguio cathedral tuwing Sabado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,656 total reads

Simula Nobyembre 2025, magkakaroon na ng regular na Banal na Misa sa wikang Koreano sa Holy Face Chapel ng Baguio Cathedral.

Batay sa sirkular na inilabas ni Baguio Bishop Rafael Cruz, D.D., layunin ng inisyatibong ito na maging tahanan ng pananampalataya ang simbahan para sa mga Koreanong Katoliko na nais magdiwang ng Eukaristiya sa kanilang sariling wika.

Ang Misa sa wikang Koreano ay gaganapin tuwing Sabado, ganap na alas-singko ng hapon, simula Nobyembre 2025, at ito ay pangungunahan ng mga Koreanong pari na itinalaga ng Diyosesis upang regular na mamuno sa Misa at magdiwang ng mga Sakramento.

Ayon kay Bishop Cruz, ang bagong iskedyul na ito ay isang paraan upang mas mapalapit ang simbahan sa mga mananampalataya anuman ang kanilang pinagmulan, at pagkakaisa sa loob ng Diyosesis.

“It is my sincere hope that this provision for Mass and the Sacraments in the Korean language will be a source of spiritual nourishment and strength for you during your stay here in the Diocese,” ayon pa kay Bishop Cruz.

Taong 2008, nang nagbukas ng misyon ang Korean Mission Society (KMS) sa ilalim ng Diocese of Baguio bilang tugon sa dumaraming bilang ng mga Koreanong Katoliko sa lungsod, karamihan ay mga mag-aaral sa iba’t ibang paaralan.

Ito ay sa pakikipag-guanayan na rin ng KMS sa Mission Society of the Philippines (MSP), na siyang opisyal na misyong sangay ng Simbahang Katolika ng Pilipinas.

Ang MSP ay aktibong naglilingkod sa limang kontinente at labintatlong bansa, kabilang ang Korea.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 19,612 total reads

 19,612 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 57,275 total reads

 57,275 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 75,486 total reads

 75,486 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 159,814 total reads

 159,814 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 196,256 total reads

 196,256 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top