Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,086 total views

28th Sunday of Ordinary Time Cycle C
Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day
2 Kgs 5:14-17 2 Tim 2:8-13 Lk 17:11-19

May pananalig ba tayo sa Diyos? “Siyempre,” sagot natin. “Kaya nga tayo nandito na nagdadasal sa kanya.” Iyan nga ang tingin ng marami sa pagsisimba – nagsisimba tayo kasi may hihingin tayo. Oo, humihingi tayo kasi alam natin na ang Diyos ay maaasahan. Ganoon ang ginawa ni Naaman sa ating unang pagbasa. Siya ay magaling na heneral ng mga Syrians, pero may malaking siyang problema. Siya ay ketongin, at kahit na saan-saan siya pumunta, walang nakakapagpagaling sa kanya. Sa kaniyang pakikipagdigma nabihag niya ang isang dalagita na Israelita. Nasabi ng aliping ito na doon daw sa Israel ay may nakakapagpagaling ng ketong. Kaya pumunta siya sa hari ng Israel na may rekomendasyon ng hari ng Syria na siya ay pagalingin. Nagalit ang hari ng Israel. “Ano ako, Diyos na makakapagaling ng ketong? Naghahanap lang ng away itong hari ng Syria!” Nabalitaan ni propeta Eliseo ang pangyayari kaya pinapunta niya si Naaman sa kanya at inutusan niya ito na lumublob ng pitong beses sa ilog Jordan. May pananalig si Naaman na pumunta sa bayan ng Israel at sumunod sa propeta, at siya ay gumaling.

Ganoon din ang nangyari sa sampung may ketong sa hangganan ng Samaria at Galilea. Silang lahat ay may pananalig na tumawag kay Jesus. Sabay-sabay silang sumigaw: “Hesus Panginoon, mahabag po kayo sa amin!” Hindi lang sila may pananalig na sumigaw at patuloy na manawagan sila sa kanya. May pananalig din silang sumunod kay Jesus. Kaya nang sabihin sa kanila na pupunta sila sa templo ng Jerusalem at doon magpakita sa saserdote, sumunod sila. Ang mga saserdote lang ang makapagpatotoo na magaling na ang ketong. Kaya sa pagpunta nila sa saserdote umaasa sila na gagaling sila. At gumaling nga silang lahat!

Hanggang ngayon maraming mga tao ay may pananalig na tumawag sa Diyos sa kanilang pangangailangan. Kaya kapag may problema, nagsisimba tayo. Namamanata tayo na pupunta sa Quiapo o sa Baclaran o sa Antipolo. Kahit na mahirap, gagawin natin kasi may malaki tayong pangangailangan. Pero ang tunay at mas malalim na panananalig ay hindi lang napapakita sa paghingi ng tulong sa Diyos. Oo, maaasahan nga ang Diyos. Madalas pinagbibigyan naman tayo ng Diyos. Sinabi ni Jesus na walang imposible sa Diyos. Kung may panananalig tayo kahit na kasing liit ng isang butil ng mustasa, at ito ay maliit pa kaysa butil ng bigas, ibibigay iyan ng Diyos. Ang mas malalim na pananalig ay napapakita sa ating pagsunod sa Diyos. Sumunod si Naaman sa propeta. Lumublob siya sa ilog Jordan. May pananalig ang sampung ketongin na sumunod kay Jesus at pumunta sila sa saserdote. Talagang kung may pangangailangan, talagang kahit na ano ang sasabihin sa atin ay ating ginagawa.
Ngunit noong nakuha na nila ang kanilang hinihiling, ang karamihan ay walang pananalig na bumalik at magpasalamat. Kaya sa sampung gumaling, isa lang ang bumalik at nagpasalamat sa Diyos, at siya ay isa pang dayuhan, isang Samaritano. Ano ang nangyari sa siyam? Nagkanya-kanyang lakad na. Ang iba siguro ay umuwi na, ang iba ay nagtrabaho na. Ang iba ay nagsaya. Isa lang sa sampu ang bumalik upang magpasalamat. Hindi ba ito ay nangyayari din ngayon? Lahat naman tayo ay kukain araw-araw ngayong Linggo. Lahat naman tayo ay nakapagtrabaho o nakapag-aral. Ang lahat naman ay nanatiling malusog. Pero bakit tayo lang ang dumating sa simbahan ngayong araw para magpasalamat? Mga kapatid, iyan nga ang pagsisimba. Hindi lang tayo nagsisimba para humingi. Nagsisimba tayo para magpasalamat at magpuri sa Diyos. Dahil sa bumalik kay Jesus ang Samaritano hindi lang siya nakatanggap ng kagalingan sa ketong. Nakatanggap siya ng kaligtasan! Ang marunong bumalik sa Diyos para magpasalamat at magpuri sa kanya ay nakakatanggap ng kaligtasan. Kaya bumalik tayo lagi para magpasalamat. Palagi tayong magsimba. Dahil sa marunong tayong tumingin ng utang na loob, mas lalo pa tayo pagpapalain. Hindi tayo pababayaan ng Diyos!

Ganoon din ang ginawa ni Naaman. Noong gumaling na siya, bumalik siya kay propeta Eliseo at ibig niyang magbigay ng mga salapi at mga damit na nakakarga sa ilang karwahe. Ayaw itong tanggapin ng propeta. Ang pabor na kanyang ibinibigay ay hindi mababayaran. Ang ginawa na lang ni Naaman ay humingi siya ng pahintulot na magdala ng dalawang karwaheng lupa mula sa Israel at dadalhin niya ito sa kanila sa Syria, kasi ngayon wala na siyang ibang Diyos na sasambahin kundi ang Diyos ng Israel, at ayon sa kanilang paniniwala noon, ang Diyos ng Israel ay masasamba lang sa lupain ng Israel, kaya tutungtong siya sa lupa na mula sa Israel upang makapagdasal sa Diyos ng Israel. Nauwi ang kanyang gratitude sa pagsamba sa Diyos.

Mga kapatid, mahalaga po ang pagsamba sa Diyos upang palagi natin siyang alalahanin at pahalagahan. Kaya nga ang isa sa sampung utos ng Diyos ay ipangilin natin ang araw ng Panginoon, na ang ibig sabihin, sambahin natin ang Diyos sa araw niya, at para sa ating mga kristiyano, iyan ay ang araw ng Linggo. Huwag po nating idahilan na busy tayo, na kailangan nating maghanap buhay kasi mahirap ang buhay. Tandaan natin na ang lahat ay galing sa Diyos. Kung tayo ay marunong magpasalamat sa kaya at kikilalanin natin ang kanyang pagkilos sa ating buhay, mas lalo niya tayong pagbibigyan. Tingnan natin, mas umuunlad ba ang mga taong hindi nagsisimba kasi nagpapalaot sila o nasa basakan sila? Hindi naman! Madalas mas hirap pa nga sila sa buhay dahil sa pinababayaan sila ng Diyos. Hindi sila marunong kumilala sa kanya, kaya maaaring sabihin ng Diyos, “Sige bahala na kayo sa buhay ninyo! Gusto mo naman palang gawin ang lahat na mag-isa.” Mas lalo na iyong wala namang pinagkakaabalahan at tinatamad lang magsimba o mas inuna pa ang ibang lakad o ang barkada kaysa magpasalamat sa Diyos. Talagang hindi mahalaga ang Diyos sa kanila. Kawawa naman sila. Hindi nila alam ang talagang mahalaga sa buhay!

Sinulat ni San Pablo: Narito ay kasabihang maaasahan at mapapanaligan natin:
“Kapag tayo’y namatay na kalakip ni Hesukristo,
walang salang mabubuhay na kasama niya tayo;
Kung tayo ay magtiis ng hirap sa mundong ito,
maghahari naman tayong kapiling ng ating Kristo;
Kapag siya’y itinakwil sa harapan ng mga tao
pagdating ng takdang panahon, itatakwil niya tayo.”

Kung dito sa buhay na ito hindi natin napapahalagahan ang Diyos at ang mga biyaya niya, hindi rin niya tayo papahalagahan sa kabilang buhay. Mga kapatid: may kabilang buhay!

Bahagi sa paghahanda sa kabilang buhay ay ang pagpapahalaga sa mga taong maliliit at mahihirap. Sila din ay mahal ng Diyos. Ngayong Linggo inaalaala natin ang ating mga kapatid na katutubo at ang mga taong dukhang dukha. Nabubuhay sila sa extreme poverty. Sila lang sila mahirap. Mahirap na mahirap sila tulad ng walang ng bahay o wala ng makakain. Alalahanin din natin sila at pahalagahan. Kaya isama natin sila sa ating panalangin at magkakaroon tayo ng second collection para sa kanila. Dahil sa mga sakuna marami ay nahuhulog sa butas na humihila sa kanila sa kahirapan. Isipin na lang natin ang nawalan ng bahay dahil sa lindol sa Cebu o nawalan ng bahay ay pananamin sa mga bagyo sa Masbate at sa Romblon. Tulungan natin sila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 13,405 total views

 13,405 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 64,089 total views

 64,089 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 70,218 total views

 70,218 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 99,887 total views

 99,887 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 118,158 total views

 118,158 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily May 31 2026

 4,735 total views

 4,735 total views Holy Trinity Sunday Cycle A BEC Sunday Ex 34:4-6.8-9 2 Cor 13:11-13 Jn 3:16-18 Kung hindi natin kilala ang isang tao, hindi tayo

Read More »

Homily May 24, 2026

 12,587 total views

 12,587 total views Pentecost Sunday Cycle A Acts 2:1-11 1 Cor 12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang kapistahan ng mga Hudyo na nangyayari tuwing

Read More »

Homily May 17, 2026

 25,510 total views

 25,510 total views Ascension of the Lord Cycle A World Communications Sunday Acts 1:1-11 Eph 1:17-23 Mt 28, 16-20 Umakyat na si Jesus sa langit. Iniwan

Read More »

Homily May 10, 2026

 21,240 total views

 21,240 total views 6th Sunday of Easter Cycle A Mother’s Day Acts 8:5-8.14-17 1 Pt 3:15-18 Jn 14:15-21 Ngayon ay Mother’s Day. Batiin natin ang ating

Read More »
Scroll to Top