Kaligtasan ng mananampalataya, tiniyak ng mga Diyosesis sa Mindanao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,465 total reads

Patuloy na tinitiyak ng mga diyosesis sa Mindanao ang kaligtasan ng kanilang mga kawan matapos ang magnitude 7.6 na lindol sa Davao Region na sinundan ng malalakas na aftershocks.

Sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr. Orveil Andrade, Director ng Diocesan Social Action ng Mati, ibinahagi ng pari na malaki ang pinsala sa mga tahanan at gusali malapit sa coastal areas ng Manay, Davao Oriental, kung saan tatlong simbahan at dalawang kapilya ang napinsala at isa ang nasawi matapos mabagsakan ng gumuhong pader.

“Ang Manay talaga ang maraming damage na bahay kasi doon ang epicenter,” ayon kay Fr. Andrade.

Agad namang nagtungo si Mati Bishop Abel Apigo sa bayan ng Baganga upang personal na mabisita ang mga parokyang naapektuhan ng malakas na pagyanig.

Tiniyak ni Bishop Apigo ang pakikiisa at pananalangin ng Simbahan para sa mga biktima ng lindol.

“We need to pray harder,” ayon kay Bishop Apigo.

Samantala, sinabi ni Cagayan de Oro Archbishop Jose Cabantan na kasalukuyan silang nagsasagawa ng CaBuSTaMPro Clergy Assembly sa arkidiyosesis nang maramdaman ang pagyanig.

Ipinagpapasalamat ni Archbishop Cabantan sa panginoon na ligtas ang lahat ng mga paring nakibahagi sa pagtitipon.

“Okay ra mi, kalooy sa Dios (Ayos lang kami, sa awa ng Diyos),” pahayag ni Archbishop Cabantan sa panayam ng Radyo Veritas.

Tiniyak din ni Surigao Bishop Antonieto Cabajog na walang naitalang pinsala sa mga gusali at mamamayan sa buong Diyosesis ng Surigao.

“God is good! No worries for us in the entire diocese. No reported damage to life and property,” saad ni Bishop Cabajog.

Nagbigay muli ng ulat si Bishop Cabajog pasado alas-siyete kagabi, matapos maramdaman ang malakas at bahagyang matagal na magnitude 6.9 aftershock na nagmula pa rin sa Davao Oriental.
Una namang ibinahagi ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na naramdaman din sa Cotabato ang pagyanig, at agad niyang ipinag-utos ang assessment sa mga simbahan at kumbento upang masuri ang posibleng pinsala dulot ng lindol.

Samantala, ipinaalala ng Caritas Philippines sa publiko na manatiling alerto, unahin ang kaligtasan, at sama-samang manalangin para sa katatagan ng mga pamilyang nasalanta ng lindol.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang magnitude 7.6 na lindol sa Manay, Davao Oriental dakong alas-9:43 ng umaga noong October 10, 2025, na naramdaman din sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.

Matatandaan noong 2019, tatlong magkakasunod na lindol din ang yumanig sa rehiyon ng Mindanao sa parehong buwan ng Oktubre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 15,453 total reads

 15,453 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 96,914 total reads

 96,914 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 130,363 total reads

 130,363 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 165,662 total reads

 165,662 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 391,673 total reads

 391,673 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,805 total reads

 155,805 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top