Korean mass, gaganapin sa Baguio cathedral tuwing Sabado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,804 total reads

Simula Nobyembre 2025, magkakaroon na ng regular na Banal na Misa sa wikang Koreano sa Holy Face Chapel ng Baguio Cathedral.

Batay sa sirkular na inilabas ni Baguio Bishop Rafael Cruz, D.D., layunin ng inisyatibong ito na maging tahanan ng pananampalataya ang simbahan para sa mga Koreanong Katoliko na nais magdiwang ng Eukaristiya sa kanilang sariling wika.

Ang Misa sa wikang Koreano ay gaganapin tuwing Sabado, ganap na alas-singko ng hapon, simula Nobyembre 2025, at ito ay pangungunahan ng mga Koreanong pari na itinalaga ng Diyosesis upang regular na mamuno sa Misa at magdiwang ng mga Sakramento.

Ayon kay Bishop Cruz, ang bagong iskedyul na ito ay isang paraan upang mas mapalapit ang simbahan sa mga mananampalataya anuman ang kanilang pinagmulan, at pagkakaisa sa loob ng Diyosesis.

“It is my sincere hope that this provision for Mass and the Sacraments in the Korean language will be a source of spiritual nourishment and strength for you during your stay here in the Diocese,” ayon pa kay Bishop Cruz.

Taong 2008, nang nagbukas ng misyon ang Korean Mission Society (KMS) sa ilalim ng Diocese of Baguio bilang tugon sa dumaraming bilang ng mga Koreanong Katoliko sa lungsod, karamihan ay mga mag-aaral sa iba’t ibang paaralan.

Ito ay sa pakikipag-guanayan na rin ng KMS sa Mission Society of the Philippines (MSP), na siyang opisyal na misyong sangay ng Simbahang Katolika ng Pilipinas.

Ang MSP ay aktibong naglilingkod sa limang kontinente at labintatlong bansa, kabilang ang Korea.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 81,262 total reads

 81,262 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 115,702 total reads

 115,702 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 151,002 total reads

 151,002 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 377,271 total reads

 377,271 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 266,315 total reads

 266,315 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 12,703 total reads

 12,703 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top