SALN, hindi garantiya ng katapatan ng isang opisyal ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,232 total reads

Hindi garantiya ng katapatan o kawalan ng korapsyon ang pagsasapubliko ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng pamahalaan.

Ito ang binigyang-diin ni dating Civil Service Commission (CSC) Chairperson Ricardo Saludo sa panayam ng programang Veritas Pilipinas, kung saan ipinaliwanag niyang layunin ng SALN na makita ang pagbabago sa yaman ng isang opisyal.

Gayunman, nilinaw ng dating opisyal ng CSC na hindi nito agad pinatutunayan ang katapatan o integridad ng isang lingkod-bayan.

Ayon kay Saludo, maraming tiwaling opisyal ang nakaiiwas sa pananagutan sa pamamagitan ng pagtatago ng kanilang ill-gotten wealth sa pangalan ng mga kamag-anak, kaibigan, o mga pinagkakatiwalaang tao.

“Puwedeng gumawa ng paraan para itago ang yaman. Ilalagay sa pangalan ng mga kamag-anak, mga kaibigan, [o] mga tauhan. At iyan po ang nangyayari. Mayroon pa ngang mga tinatawag na ‘bagman,’ at ang mga ‘bagman’ ay walang SALN,” paliwanag ni Saludo.

Ikinumpara rin niya ang ganitong sistema sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., kung saan umano lumitaw ang mga “crony” na ginagamit para itago ang yaman ng mga makapangyarihan.

“Tama po na magkaroon tayo ng SALN at ipakita ito. Pero alam po natin na gagawa at gagawa ng paraan ang mga tiwali para maitago ang kanilang nililikom na salang yaman,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin din ni Saludo na may mga panganib sa labis na pagbubunyag ng SALN, dahil maaari itong magamit sa masamang paraan tulad ng kidnapping o pangingikil. Kaya, aniya, kailangang balansehin ang transparency at seguridad ng mga impormasyon.

Sa halip, ipinunto ni Saludo na mas epektibong labanan ang korapsyon kung mahuhuli ang mga tiwaling opisyal habang gumagawa pa lamang ng katiwalian—hindi kapag lumitaw na ito sa kanilang SALN.

“Madalas ay nahuhuli lang natin kapag bilyon-bilyon na ang nawawala. Dapat pagtuunan natin ng pansin ang preventive measures at maagang imbestigasyon,” giit ni Saludo.

co-author Lorenzo Maño

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 23,721 total reads

 23,721 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 61,030 total reads

 61,030 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 79,241 total reads

 79,241 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 163,569 total reads

 163,569 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 199,831 total reads

 199,831 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top