PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,201 total views

Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay hindi nawawala ang dignidad at pagiging anak ng Diyos ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Ito iginiit ng Obispo kaugnay sa paggunita ng 38th Prison Awareness Week ngayong taon.

Ayon kay Bishop Florencio, sa kabila ng kanilang mga pagkakamali o kasalanang nagawa sa buhay ay hindi pa rin mai-aalis ang kanilang dignidad bilang tao.

“Hindi po nawawala ang kanilang dignidad bilang mga tao. Siguro, nagkasala sila, pinarusahan sila, pero hindi sila nawawalan ng kanilang pagkaanak ng Diyos. They are still children of God,” Bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio sa Radyo Veritas.

Sa mensahe ng Obispo para sa pagdiriwang ng 38th Prison Awareness Week, binigyang-diin nito na ang Linggo ng Kamulatan para sa mga PDLs ay isang pagkakataon upang ipaalala sa lahat na ang mga bilanggo ay nananatiling kapatid sa pananampalataya ng bawat isa na karapat-dapat para sa pag-ibig, kalinga, at awa ng Diyos.

Hinimok din ng Obispo ang mga mananampalataya na patuloy na makiisa sa Simbahan sa pagbibigay ng tulong, pagdalaw, at panalangin para sa mga nasa piitan, na madalas ay nalilimutan o hinuhusgahan ng lipunan.

“Ang tingin ng Simbahan, sila rin po ay mga taong nangangailangan ng tulong. Kung hindi natin tutulungan, baka wala ring tutulong sa atin… Tulung-tulong tayo sa pagmamahal at pagtulong sa ating mga kapatid na nasa bilangguan,” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Ayon sa prison ministry ng CBCP, layunin ng Prison Awareness Week na mapukaw ang kamalayan ng mga mananampalataya sa kalagayan ng mga PDLs at mapagtanto na ang tunay na katarungan ay hindi lamang nakakamit sa pamamagitan ng pagpaparusa kundi sa pagbibigay din ng pag-asa at pagbabalik-dangal sa mga nakagawa ng pagkakasala.

Sa temang “Our Merciful God Proclaims Hope for Us Sinners and Restores Dignity for the Persons Deprived of Liberty!”, muling ipinapaalala ng Simbahan na ang awa ng Diyos ay walang hanggan at ang bawat taong nagkasala ay tinatawagan pa rin sa pagbabagong-loob at pag-asa na hatid ng Panginoon.

Nakatakdang gunitain ngayong taon ang 38th Prison Awareness Sunday sa ika-26 ng Oktubre, 2025 kung saan taong 1987 itinakda ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang huling Linggo sa buwan ng Oktubre bilang Prison Awareness Week o linggo upang alalahanin at bigyang pansin ang kapakanan at kalagayan ng mga bilanggo sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 11,761 total views

 11,761 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 81,873 total views

 81,873 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 156,487 total views

 156,487 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 236,566 total views

 236,566 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 279,392 total views

 279,392 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 1,460 total views

 1,460 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top