Pagtatag ng “inclusive lay ministries”, ipinag-utos ng Borongan Bishop

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,105 total reads

Ipinag-utos ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang pagbuo ng inclusive lay ministries sa lahat ng parokya upang bigyang-puwang ang lahat ng kasapi, kabilang ang mga may kapansanan at may iba’t-ibang sexual orientation.

Sa circular na inilabas noong Oktubre 22, sinabi ni Bishop Varquez na bahagi ito ng synodal reform program ng diyosesis sa pagdiriwang ng ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag.

Layunin ng reporma na palakasin ang katapatan, pananagutan, at pagkakaisa sa pamumuno ng Simbahan.

Inatasan din ng obispo ang lahat ng parokya na ipahayag sa misa at ipaskil sa bulletin board ang taunang financial report upang maging mas bukas ang ugnayan ng simbahan at mamamayan.

“All parishes must commit to regular financial reporting to the community. This practice will ensure that parishioners are informed about the financialhealth of the parish, doing so will foster trust and accountability,” ayon kay Bishop Varquez.

Kasama rin sa mga pagbabago ang pagtatatag ng mga lugar para sa counseling at spiritual direction upang matugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng mga mananampalataya.

Bilang bahagi ng pagpapalakas ng pamumuno ng mga pari, ipinag-utos ni Bishop Varquez na magkaroon sila ng regular na psycho-spiritual at theological formation.

“I require all priests to participate in all ongoing formation programs that will be designed by the Commission on Clergy which will include psycho-spiritual, psycho-emotional, and psycho-sexual formation; counseling and spiritual direction; homiletics; updates in theology, canon law, and liturgy; pastoral leadership and management; as well as other essential areas for the integral growth of our clergy,” ayon pa sa bahagi ng kautusan.

Muling bubuhayin ng diyosesis ang mga Basic Ecclesial Communities, magtatatag ng Lay Formation Institute, at magsasagawa ng Conversations in the Spirit upang palalimin ang diwa ng pakikinig, pagkakaisa, at pagtutulungan.

Magkakaroon din ng Diocesan Safeguarding Desk para sa proteksyon ng mga bata at mahihinang sektor, at palalakasin ang mga programang panlipunan para sa mahihirap.

“This demonstrates our commitment to protecting our community and promoting a safe environment,” bahagi pa ng circular.

Ang Diocese of Borongan ay itinatag bilang diyosesis noong 1960 at kasalukuyang pinamumunuan ni Bishop Varquez simula noong 2007, katuwang ang 79 na mga pari, sa pangangasiwa sa may 500,000 mananampalataya sa 34 na parokya.

Diocese of Borongan Post Link: https://www.facebook.com/share/p/1AjddhVoK8/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 79,214 total reads

 79,214 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 157,371 total reads

 157,371 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 190,819 total reads

 190,819 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 226,115 total reads

 226,115 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 449,471 total reads

 449,471 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top