Mahihirap, magiging biktima ng death penalty.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,094 total reads

Naninindigan ang Commission on Human Rights o C-H-R na “anti-poor” ang death penalty.

Natitiyak ni CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia na tanging mahihirap ang madidiin at madi-dehado kapag tuluyang naipatupad sa Pilipinas ang parusang kamatayan.

Iginiit de Guia na dahil sa kahirapan at kakulangan ng kaalaman ng mga maralita sa kanilang karapatan ay mapaparusahan sila kahit walang ginawang kasalanan at paglabag sa batas.

Nangangamba ang C-H-R na muling mananaig ang hindi patas na sistema ng batas para sa mga mahihirap na walang kakayang ipagtanggol ang sarili sa korte.

“Ang ipinaglalaban ng kumisyon ay patas na pagtrato sa lahat ng sektor ng lipunan. Sa death penalty laging dehado ang mga kapuspalad. Dapat effective law enforcement.”pahayag ni de Guia sa Veritas Patrol

Nilinaw ng C-H-R na hindi kailanman masusulosyunan ng pagkitil sa buhay ng mga kriminal ang pagpapababa sa kriminalidad sa lipunan sa halip ay mas kinakailangang ayusin ang justice system at patas na pagpapatupad nito.

Kahirapan at kakulangan rin sa kaalaman ang isang nakikitang dahilan ng National Union of People’s Lawyer kung bakit patuloy ang pagsisiksikan at paglaki ng bilang ng mga bilanggo sa mga kulungan sa bansa.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) noong June 2016, 463-porsiyento ang nationwide congestion rate sa 463 na mga bilangguan sa buong bansa.

Nabatid na 112-libong bilanggo ang nagsiksikan sa 463 na bilangguan ng B-J-M-P.

Naninindigan ang Simbahang Katolika na hindi nito ikokompromiso ang paninindigan laban sa umiiral na culture of death sa bansa.

Read: http://www.veritas846.ph/simbahan-hindi-ikokompriso-ang-prinsipyo-paninindigan-sa-culture-death/

Samantala, unang binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na bukod sa parusang kamatayan, hindi rin ito sang-ayon sa hatol na habang buhay na pagkabilanggo na ayon sa kaniya ay laban sa dignidad ng tao at pagkakaroon ng pangalawang pagkakataon upang magbagong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 55,238 total reads

 55,238 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,617 total reads

 134,617 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,062 total reads

 168,062 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,360 total reads

 203,360 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,668 total reads

 427,668 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top