Pagtugon sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng bagyong Tino, tiniyak ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,624 total reads

Tiniyak ng Caritas Manila ang pagsaklolo at pagtugon sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Tino sa mga lalawigan sa Visayas partikular na sa Cebu.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual -executive director ng Caritas Manila, mahalagang magkaisa ang lahat sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad sa rehiyon.

Partikular na nanawagan si Fr. Pascual sa mga mananampalataya na hindi naapektuhan ng bagyo na tumugon at tumulong sa sitwasyon sa mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng Bagyong Tino.

“Tayo po ay muling sumasaklolo at humihingi ng tulong sa ating mga kapanalig, saan man tayo sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Tayong mga hindi tinamaan ng Bagyong Tino ay humihingi tayo ng tulong upang mabigyan natin ng suporta at maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayan na tinamaan sa kabisayaan lalong lalo na sa Cebu.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa Radyo Veritas.

Ibinahagi rin ng Pari ang agad na pakikipag-ugnayan ng Caritas Manila sa mga Obispo at social action centers sa mga apektadong diyosesis upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga biktima.

Ayon kay Fr. Pascual, sa pamamagitan ng mga nakasasakop na diyosesis ay magpapadala ng tulong ang social action arm ng Archdiocese of Manila para sa pagbili ng relief goods, gamot, hygiene kits, pagkain, at kumot na ipamamahagi sa mga nasalanta.

“Nagtext na din po tayo sa mga Obispo at mga social action counter-part natin sapagkat ang Caritas Manila po ay handang tumulong, nagpapadala agad tayo ng pondo lalong lalo na kapag labas ng Luzon upang dun nalang sila bumili ng mga relief good, mga gamot, hygiene kits, pagkain, kumot, mga immediate na pangangailangan para maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayang biktima ng bagyo.” Dagdag pa ni Fr. Pascual.

Paliwanag ni Fr. Pascual, ang bawat Pilipino ay may tungkuling makibahagi sa pagtulong sa mga biktima ng iba’t ibang kalamidad bilang bahagi na rin ng pambansang pagkakakilanlan ng katatagan ng mga Pilipino sa gitna ng anumang kalamidad at sakuna.

“Ang Pilipinas daanan talaga tayo ng bagyo sa buong mundo pero naniniwala po tayo, pinagpala po tayo, we are resilient country, resilient Filipinos at may kapalit na pagpapala ang ating mga sakripisyo sa mga biktima ng kalamidad na gawa ng kalikasan at gawa ng tao.” Ayon pa kay Fr. Pascual.

Ayon sa Pari, ang Caritas Manila ay patuloy na tumatanggap ng donasyon sa pamamagitan ng kanilang mga bank accounts, GCash, at parish-based Caritas centers upang maipagpatuloy ang mga programang naglalayong makatulong sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Visayas region.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 16,944 total reads

 16,944 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 35,938 total reads

 35,938 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 64,306 total reads

 64,306 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 112,571 total reads

 112,571 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 134,660 total reads

 134,660 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 232,646 total reads

 232,646 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 16,945 total reads

 16,945 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 22,733 total reads

 22,733 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top