Gobyerno at mga mambabatas, binalaan sa hidden pork sa national budget

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 396 total reads

Ito ang naging paalala ni CBCP-Episcopal Commission on Mission chairman Sorsogon Bishop Arturo Bastes sa kasalukuyang administrasyon at mga mambabatas kasunod ng ulat na mayroon pa ring “hidden pork barrel funds” sa 3.35-trilyong pisong 2017 General Appropriations Act o pambansang budget ng Pilipinas.

Hinangaan at pinuri ni Bishop Bastes si Senador Panfilo Lacson sa pagbubunyag ng natuklasang “hidden pork” sa 2017 national budget na mas malaki pa sa 80-milyong pisong Priority Development Assistance Fund ng bawat Kongresista at 200-milyong piso ng bawat Senador na idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema noong Nobyembre 2013.

Ang desisyon ng Korte Suprema ay kasunod ng pagkakabunyag ng 10-bilyong pisong pork barrel scam na kinasasangkutan ni pork barrel queen Janeth Lim-Napoles, 5 Senador, 23-Kongresista at mga opisyal ng gabinete.

Nakakulong sa kasalukuyan dahil sa pork barrel scam si Napoles, Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Senador Ramon “Bong” Revilla.

Matapos ideklarang unconstitutional ang P-D-A-F,binuo ng Aquino administration ang Disbursement Acceleration Program o D-A-P na naglalayong pabilisin ang public spending na idineklara ding unconstitutional ng Korte Suprema noong February 2015 sa botong 14-0.

Binalaan ni Bishop Bastes ang administrasyon at mga mambabatas na paninindigan ang “no to corruption” policy ng Pangulong Duterte na pinanghahawakang pag-asa ng sambayanang Pilipino.

Iginiit ng Obispo na nakasalalay sa sinseridad ng mga mambabatas at Department of Budget and Management sa ipinangakong matapat na pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon.

Pinangangambahan na magagamit na naman sa political patronage ang “hidden pork” tulad sa pagsusulong ng administrasyon na maisabatas ang mga unpopular na panukalang batas.

“Hopefully wala na yan in some other disguise. They tried already to do that in the Aquino administration and somehow it succeeded although with some displeased by it. I hope this present administration who said that no corruption will not be tolerated. Maganda yung very watchful eye of Senator Lacson and I hope that the others are sincere, in depends upon the sincerity of the Senators and congressmen”. pahayag ni Bishop Bastes panayam ng Radio Veritas.

Nananawagan si Bishop Bastes sa katapatan ng gobyerno at mga mambabatas upang ganap na maipatupad ang katapatan at malinis na pamamahala sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 71,406 total reads

 71,406 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 149,973 total reads

 149,973 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 183,421 total reads

 183,421 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 218,718 total reads

 218,718 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 442,339 total reads

 442,339 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top