Atapang atao pero atakbo?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 530,538 total views

Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa. 

Mahigit isang buwan nang missing-in-action ang tapat at masunuring tauhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Noong Sabado, inaasahan siyang dumalo sa bicameral conference committee bilang kinatawan ng Senado, pero no-show siya sa importanteng meeting na iyon. 

Hindi nagpaparamdam si Senador Bato mula nang kumalat ang ‘di kumpirmadong balita na naglabas na ang International Criminal Court (o ICC) ng warrant of arrest para sa kanya. Kasama kasi siya ni dating Pangulong Digong sa pagbubuo at pagsasakatuparan ng madugong giyera kontra droga. Siya ang pinuno ng Philippine National Police (o PNP) noong lantarang isantabi ng administrasyon ang proseso ng batas para pagpapatayin ang mga sangkot sa ipinagbabawal na gamot. Sa tala ng PNP, nasa anim na libo ang namatay sa mga operasyon ng pulis. Sa monitoring ng mga human rights groups, hanggang tatlumpung libong kababayan natin ang biktima ng extrajudicial killings. Ganoon po karami!

Isang buwan nang absent si Senador Bato sa Senado mula noong Nobyembre 11. Ayon sa Department of the Interior and Local Government (o DILG), may mga natanggap silang tip na nakita ang mambabatas sa anim na iba’t ibang lugar sa nakalipas na tatlong linggo. Nagtatago ba ang senador? Hindi ito masabi ng DILG; hindi pa naman daw siya maituturing na pugante. Hindi rin naman daw kikilos ang PNP para hulihin siya; wala raw magagamit na batayan ang mga pulis.

Hindi naman kailangang mag-alala ng senador ukol sa kanyang suweldo. Wala naman daw “no work, no pay” policy ang Senado, ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto. Patuloy na tatanggap ng suweldo si Senador Bato dahil nailaan na raw ito para sa kanya. Ang isang senador ay nasa ilalim ng Salary Grade 31 na tumatanggap ng tumataginting na ₱293,191 hanggang ₱334,059 kada buwan. Sana all may sahod kahit hindi nagtatrabaho!

Kapag pinupuna ang dating administrasyon tungkol sa giyera kontra droga, mabilis sumagot ang mga tagasuporta nito ng: “Bakit matatakot kung wala namang ginagawang mali?” Ibalik natin ang tanong na ito kay Senador Bato at tagasuporta niya at ng pamilya Duterte: “Bakit magtatago kung wala namang kasalanan?”

Ipininta ang sanggang-dikit na sina Pangulong Duterte at Senador Bato bilang matatapang na lider—may kamay na bakal, walang kinatatakutan, handang humarap sa anumang laban. Pero nasaan na ang katapangang ito ngayong pinananagot na sa batas silang mga nasa likod ng libu-libong kaso ng pagpatay?

Sa lente ng mga panlipunang turo ng Simbahan, ang pamumuno (o leadership) ay isang bokasyon para paglingkuran ang Diyos at ang taumbayan. Ang kapangyarihang tangan nila ay hindi dapat ginagamit para sa sariling interes kundi para sa kapakanan ng lahat o ang common good. Iniluluklok sila sa posisyon sa gobyerno para tiyaking umiiral ang katarungan.

Dapat maalala ni Senador Bato ang bokasyong pinasok niya. Bilang tagagawa ng batas ng bayan, may pananagutan siya sa ating lahat. Ang hindi niya pagsipot sa bicameral conference committee noong Sabado ay mabigat na pagtalikod sa kanyang sinumpaang tungkulin. Itinalaga siyang tagapagsuri sa inihahaing budget ng kasalukuyang administrasyon para sa susunod na taon, pero hindi niya ito ginampanan. Ang hindi niya pagpasok sa Senado nang walang sapat na dahilan ay pambabastos sa mga mamamayang nagpapasuweldo sa kanya. 

Mga Kapanalig, sabi nga ni Hesus sa Mateo 20:27, “kung sinuman sa inyo ang nagnanais maging una, ay dapat maging alipin ninyo.” Ang mga nauuna sa ating lipunan, gaya ng mga senador, ay dapat paglingkuran ang taumbayan. Kaya magpakita ka na sana, Senador Bato! Naghihintay ang mga nagpapasahod sa iyo.

Sumainyo ang katotohanan. 

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 9,189 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 9,295 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 71,568 total views

 71,568 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 141,263 total views

 141,263 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 172,547 total views

 172,547 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 204,560 total views

 204,560 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 353,193 total views

 353,193 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONFIDENTIAL FUND

 71,569 total views

 71,569 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 141,264 total views

 141,264 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 172,548 total views

 172,548 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 204,561 total views

 204,561 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »
Scroll to Top