Makataong police procedure, hamon sa P-N-P sa Oplan Tokhang 2

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 441 total reads

Nararapat na tiyakin ng pamunuan ng Philippine National Police ang maayos na sistema sa Double Barrel Reloaded o Oplan Tokhang 2.

Ito ang hamon ni Nueva Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona, chairman ng CBCP-NASSA/ Caritas Philippines sa P-N-P bilang lead law enforcement agency sa anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan.

Iginiit ng Arsobispo na bilang mga tagapag-tiyak sa kaayusan at kaligtasan ng taumbayan ay kailangan nilang maging tapat, makatao at maka-Diyos sa pagganap ng tungkulin at misyon.

“Ang PNP dapat hindi umaatras, hindi dapat magwithdraw, harapin nila ang lahat ng uri ng mga krimen. Pero dapat maging tapat, makatao at maka-diyos sila. Suportahan natin sila sa kanilang mabubuting kilos. Parusahan ang mga scalawags para maibalik nila ang tiwala ng tao.” pahayag ni Tirona sa panayam sa Radio Veritas.

Unang nanindigan si Cebu Archbishop Jose Palma na hindi nito pahihintulutan ang mga Pari mula sa kanilang arkidiyosesis na makibahagi at sumama sa operasyong Oplan Tokhang ng P-N-P sa kanilang lalawigan.

Nilinaw ni Archbishop Palma na hindi mandato o tungkulin ng mga Pari na sumama sa isang police operation.

Sa halip, hinimok ng Arsobispo ang mga pari na pagtuunan nang pansin ang rehabilitasyon ng mga sumukong drug personalities.

Read: Inilatag din ni CBCP-Episcopal Commission on the Laity chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang mga dahilan sa pagtanggi sa imbitasyon ng PNP chief na sumama ang mga pari sa operasyon ng Oplan Tokhang 2.

Read: http://www.veritas846.ph/simbahan-hindi-ikokompriso-ang-prinsipyo-paninindigan-sa-culture-death/

Sa tala mula July 2016, higit-kumulang na sa 7-libong indibidwal ang nasawi sa War on Drugs ng pamahalaan.

Samantala sa mismong tala ng P-N-P noong 2016, tinatayang 1,122 na mga P-N-P Personnel ang may kasong administratibo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 71,370 total reads

 71,370 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 149,938 total reads

 149,938 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 183,386 total reads

 183,386 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 218,683 total reads

 218,683 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 442,304 total reads

 442,304 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top