115 total views
Ito ang naging paalala ni CBCP-Episcopal Commission on Mission chairman Sorsogon Bishop Arturo Bastes sa kasalukuyang administrasyon at mga mambabatas kasunod ng ulat na mayroon pa ring “hidden pork barrel funds” sa 3.35-trilyong pisong 2017 General Appropriations Act o pambansang budget ng Pilipinas.
Hinangaan at pinuri ni Bishop Bastes si Senador Panfilo Lacson sa pagbubunyag ng natuklasang “hidden pork” sa 2017 national budget na mas malaki pa sa 80-milyong pisong Priority Development Assistance Fund ng bawat Kongresista at 200-milyong piso ng bawat Senador na idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema noong Nobyembre 2013.
Ang desisyon ng Korte Suprema ay kasunod ng pagkakabunyag ng 10-bilyong pisong pork barrel scam na kinasasangkutan ni pork barrel queen Janeth Lim-Napoles, 5 Senador, 23-Kongresista at mga opisyal ng gabinete.
Nakakulong sa kasalukuyan dahil sa pork barrel scam si Napoles, Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Senador Ramon “Bong” Revilla.
Matapos ideklarang unconstitutional ang P-D-A-F,binuo ng Aquino administration ang Disbursement Acceleration Program o D-A-P na naglalayong pabilisin ang public spending na idineklara ding unconstitutional ng Korte Suprema noong February 2015 sa botong 14-0.
Binalaan ni Bishop Bastes ang administrasyon at mga mambabatas na paninindigan ang “no to corruption” policy ng Pangulong Duterte na pinanghahawakang pag-asa ng sambayanang Pilipino.
Iginiit ng Obispo na nakasalalay sa sinseridad ng mga mambabatas at Department of Budget and Management sa ipinangakong matapat na pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon.
Pinangangambahan na magagamit na naman sa political patronage ang “hidden pork” tulad sa pagsusulong ng administrasyon na maisabatas ang mga unpopular na panukalang batas.
“Hopefully wala na yan in some other disguise. They tried already to do that in the Aquino administration and somehow it succeeded although with some displeased by it. I hope this present administration who said that no corruption will not be tolerated. Maganda yung very watchful eye of Senator Lacson and I hope that the others are sincere, in depends upon the sincerity of the Senators and congressmen”. pahayag ni Bishop Bastes panayam ng Radio Veritas.
Nananawagan si Bishop Bastes sa katapatan ng gobyerno at mga mambabatas upang ganap na maipatupad ang katapatan at malinis na pamamahala sa bansa.