Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipagdasal ang mga opisyal ng pamahalaan at simbahan, panawagan ng military bishop sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

 22,452 total views

Hinimok ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mga opisyal ng pamahalaan at Simbahan upang maging mabuting lingkod at tagapaggabay sa bawat isa.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa paggunita ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Pagbabahagi ng Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, bukod sa pananalangin para sa maayos at matuwid na pamumuno ay mahalaga ring ipagdasal ang mga opisyal ng Simbahan upang patuloy na magsilbing gabay sa pagkakaroon ng kaayusan at kapayapaan sa bansa.

Kasabay ng taunang paggunita ng Araw ng Pagpapahayag ng Kalayaan ng bansa tuwing ika-12 ng Hunyo ay ipinapanalangin din ni Bishop Florencio ang patuloy na paggabay sa bansa upang malagpasan ang mga kinahaharap na suliraning panlipunan at relasyon sa iba’t ibang mga bansa.

“Greetings to my beloved Philippines as she celebrates Independence Day. I pray that Our Almighty Father to bless our beloved country as she faces today herculean challenges both locally and internationally. I pray also that we the constituents of the Philippine Republic be blessed as well so as to rally behind our leaders both the government and the ecclesiastical leaders for the betterment of our country and not just few people.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio sa Radyo Veritas.

Ipinaalala ng Obispo ang kahapagahan ng pagbabalik loob at pagpapakumbaba sa Panginoon upang masumpungan ang biyaya ng Banal na Espiritu para sa bansa.

“Send your Holy Spirit upon us oh Lord so that together we renew our community and our country with much humility and love so that this beloved country might be a better place to live. We shall proclaim to the whole world that you are our Father and Lord. Mabuhay ang Pilipinas.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Tema ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ngayong taong 2024 ang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan” na layuning isulong ang pagbabalik-tanaw ng bawat mamamayan sa kasaysayan ng bansa bilang gabay at aral sa kinabukasan ng Pilipinas.

Ang Araw ng Kalayaan ay taunang ginugunita sa Pilipinas tuwing Hunyo 12 alinsunod na din sa Republic Act No. 4166 na nilagdaan ni dating Pangulong Diosdado Macapagal noong August 4, 1964 upang alalahanin ang Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya noong Hunyo 12, 1898.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 106,821 total views

 106,821 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 114,596 total views

 114,596 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 122,776 total views

 122,776 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 137,774 total views

 137,774 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 141,717 total views

 141,717 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 381 total views

 381 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 25,626 total views

 25,626 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 26,303 total views

 26,303 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top