156 total views
Inihayag ni Veritas 846 Senior Political Advisor Prof. Ramon Casiple – Executive Director of Institute for Political and Electoral Reform sa panayam ng programang Veritas Pilipinas na may naganap na Party Whip nang mapatalsik sa pinanghahawakang committee ang mga Kongresistang bumoto laban sa Death Penalty Bill.
Natitiyak ni Casiple na bagamat kinakailangang pairalin ng mga kongresista ang kanilang konsensiya sa pagboto sa House Bill 4727 ay mayroong naganap na pagbabanta o uri ng pananakot sa mga mambabatas.
Inihayag ni Casiple na naging panukat rin ang death penalty bill upang matukoy ni House Speaker Pantaleon Alvarez kung sino ang mga kaalyado ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Ito ang kaibahan dito wala naman tayong party na ganun kalakas, kahit na ang PDP Laban remember it started with only 3 members, tapos nagbaliktaran, ngayon merong mga expectations ang speaker may mga bumabaliktad, ay patotohanan ang kanilang pagbaliktad yung mga posisyon ng administrasyon lalo ng partido ay dapat sundin. Pero testing lang sa kanya yan, ito ay testing ng balance of forces na sinasabi yung power.” pahayag ni Casiple.
Kahapon naganap ang rigodon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan isa sa napatalsik sa posisyon dahil sa pagkontra sa Death Penalty ay si Former President at Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.
Paliwanag nito, prinsipyo at konsensya ang kaniyang naging batayan sa pagboto lalo’t nilagdaan niya ang batas na nagpapatigil sa parusang bitay noong siya’y nanungkulang Pangulo ng Pilipinas.
Magugunitang tinawag na “angels of life” ni CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos ang 54-kongresista na bumoto ng NO sa parusang kamatayan.
Read: http://www.veritas846.ph/54-na-anti-death-congressmen-tinawag-na-angel-life-ng-obispo