Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,777 total views

3rd Sunday of Ordinary Time Cycle A

Sunday of the Word of God

National Bible Sunday

Is 8:23-9:3 1 Cor 1:10-13.17 Mt 4:12-23

Ang mga tao ngayon ay gustong makilala, gustong makita, gustong maging tanyag. Mangyayari ito kung sila ay mapapansin. Upang kunin ang pansin ng iba, ibig natin na tayo ay nasa sentro, nasa gitna. Ang sentro ng bansa ay nasa capital city. Nandoon ang mga dakila at kilalang mga tao. Doon nangyayari ang mga desisyon na nakakaapekto sa maraming tao. Kaya maraming tao ay gustong pumunta sa lunsod upang doon magtrabaho, upang doon mag-aral, at upang doon magbusiness. Kawawa naman ang mga malalayong barangay. Walang pumapansin sa kanila.

Wala nga ba? Hindi naman, kasi binibigyan ng Diyos ng halaga ang mga nasa tabi. Ito ang pinakita sa atin ni Jesus. Si Jesus ay nagsimulang mangaral noong mabilanggo na si Juan Bautista. Hindi siya nangaral sa lungsod ng Jerusalem ni sa Judea man, ang kilalang probinsiya ng mga Hudyo. Siya ay nangaral sa Galilea. Ito ay ang pinakamalayong probinsiya ng mga Hudyo noon. Walang pumapansin dito. Ang tawag nga dito ay Galilea ng mga Hentil kasi malakas ang impluwensya ng hindi mga Hudyo dito. Dito nakatira ang mga tribu ng Zebulon at Naftali, mga tribu na hindi kilala at napapabayaan kaya para silang nababalot sa dilim, dilim ng kamangmangan at kawalan ng kaunlaran.

Si Jesus ay kumilos sa laylayan ng kanilang lipunan. Dahil sa kanyang ginawa kaya nasabi ng propeta Isaias na mula kadiliman ay lumabas ang liwanag. Dahil sa magaling si Jesus magpahayag at dahil sa kanyang mga himala na nagpapatunay na ang salita niya ay totoo, maraming mga tao ang pumunta sa Galilea upang pakinggan siya at upang sumunod sa kanya. Gusto nilang sundan ang liwanag ni Jesus kahit na siya ay nasa Galilea.

Doon sa Galilea din si Jesus nagtawag ng kanyang mga alagad. Ang mga tinawag niya ay mga tao din na hindi kilala, mga pangkaraniwang mangingisda. Kaya ngayon napakinggan natin ang pagtawag niya sa magkakapatid na Pedro at Andres, Santiago at Juan. Ang mga tinawag niya ay hindi mga taong tambay na wala namang ginagawa. Tinawag niya ang magiging mga alagad niya habang sila ay nagtratrabaho, naghahayuma ng kanilang mga lambat. Noong tinawag niya si Mateo, siya ay nasa kanyang opisina at busy sa pangongolekta ng buwis. Ang maganda sa kanila, iniwan nila ang kanilang trabaho upang sumunod kay Jesus. Mas mahalaga ang tawag niya kaysa kanilang hanap buhay, at hindi naman sila pinabayaan ng Diyos ni ang kanilang mga pamilya.

Hanggang ngayon patuloy ang Diyos na nagtatawag ng mga maging kasosyo niya sa kanyang trabaho. Hindi kumikilos ang Diyos na mag-isa. Nagtatawag siya ng magiging kasama niya. Pero may mga tao na hindi tumutugon o nag-aalanganin na sumagot sa Diyos. Ang isang dahilan ay “Sino ba naman ako? Wala naman akong gaanong pinag-aralan. Maniniwala ba ang mga tao sa akin? Nasa laylayan lang ako ng lipunan.” Maaari ang isa pang dahilan: “Busy pa ako. Maraming trabaho. May hanap buhay pa akong pinagkakaabalahan.” Maaari ba nating matularan si Pedro at Andres, si Santiago at Juan? Kahit mangingisda lang sila sa tabi ng lawa, kahit na busy sila ang kanilang hanap buhay, sumunod sila kay Jesus.

Nagtatawag ang Diyos, para sa ano? Una sa lahat, upang magpahayag ng Salita ng Diyos. Ito naman ang pinakamensahe natin: ang Salita ng Diyos. Hindi tayo natatakot at nahihiya kasi ang mensahe ay hindi galing sa atin. Ito ay galing sa Diyos. At ang Salita ng Diyos ay mabisa. Ito ay buhay at nagbibigay buhay.

Ngayong Linggo binibigyan ng diin sa atin ang Salita ng Diyos. Ngayon ay National Bible Sunday sa ating bansa. Ngayon ay ang Sunday of the Word of God sa buong mundo. Binibigyan ng diin sa atin ang kahalagahan ng Salita ng Diyos. Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng kanyang Salita. Ang Salita din ng Diyos ang nagbibigay sigla sa ating buhay. Ang Salita ng Diyos ay hindi lang salita. Ito ay totoo, kaya ito ay naging tao. Iyan ang pinagdiwang natin noong Pasko, ang Salita na nagkatawang tao at namuhay sa atin. Siya ay si Jesus.

Kaya ang hamon sa atin ay alamin at isabuhay ang Salita ng Diyos. Ang pag-big natin sa Diyos ay ang pagsasagawa ng kanyang salita. Dahil sa ginagawa natin ito, iniingatan din tayo ng kanyang Salita. Kaya ang Salita ng Diyos ay ang ating kalasag at panangga laban na anumang kasamaan. Ito ang mensahe na dapat marinig ng lahat.

Dahil ang Salita ay naging tao, lapitan, kaibiganin natin at tularan si Jesus. Ang ating kaalaman sa Bibliya ay nauuwi sa ating pakikiisa kay Jesukristo.

Mayroon tayong second collection sa pagdiriwang natin. Ang makokolekta natin dito ay gagamitin sa Bible Apostolate na ang layunin ay ang pagpapalawak ng paggamit ng Bibliya at ang patuloy na pagpapaliwanag nito sa mga tao. Sana po pagsikapan ng bawat pamilya na magkaroon sila ng Bibliya sa bahay at ito ay binabasa. Ang nilalaman din ng Bibliya ang pinag-uusapan natin sa ating mga Kriska o Munting Sambayanang Kristiyano. Lumalago ang ating pananampalataya at pagkakaisa sa paggamit natin ng Bibliya, ang Salita ng Diyos na nakasulat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 33,318 total views

 33,318 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 57,634 total views

 57,634 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 93,424 total views

 93,424 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 134,580 total views

 134,580 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 185,609 total views

 185,609 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily April 26, 2026

 5,733 total views

 5,733 total views 4th Sunday of Easter Cycle A Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 2:14.36-41 1 Pt 2:20-25 Jn 10:1-10 Kinikilala

Read More »

Homily April 19 2026

 11,216 total views

 11,216 total views 3rd Sunday of Easter Cycle A Acts 2:14.22-33 1 Pt 1:17-21 Lk 24:13-35 Ikatlong Linggo na ngayon ng muling pagkabuhay ni Jesus. Excited

Read More »

Homily April 12 2026

 15,911 total views

 15,911 total views 2nd Sunday of Easter Cycle A Divine Mercy Sunday Acts 2:42-47 1 Pt 1:3-9 Jn 20:19-31 Ang Muling Pagkabuhay ay nagdadala ng pagbabago.

Read More »

Homily April 5, 2026

 18,188 total views

 18,188 total views Easter Sunday Cycle A Acts 10:34. 37-43 Col 3:1-4 Jn 20:1-9 Happy Easter sa inyong lahat! Ito ang pinakadakilang kapistahan sa buong taon

Read More »
Scroll to Top