Santo Papa, nagtalaga ng bagong obispo sa Diocese of Kalibo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,819 total reads

Itinalaga ni Pope Leo XIV si Fr. Cyril Villareal ng Archdiocese of Capiz bilang bagong obispo ng Diocese of Kalibo.

Isinapubliko ng Vatican ang appointment ng pari nitong January 24 kung saan siya ang hahalili kay Bishop Jose Corazon Tala-oc, na nagretiro noong June 2025 matapos ang halos 14 na taong paglilingkod bilang pastol ng diyosesis.

Ipinanganak si Fr. Villareal noong March 1974.

Nagtapos ng philosophy sa St. Pius X Seminary sa Roxas City at theology naman sa University of Santo Tomas sa Maynila.

Naordinahang pari noong May 25, 2001.
Nagkamit din si Fr. Villareal ng master’s degree sa higher religious studies at licentiate naman sa sacred theology sa University of Santo Tomas, gayundin ng master’s degree sa theology sa University of Vienna.

Mula 2005 hanggang 2010, nagsilbi ang pari bilang assistant chaplain ng Filipino Catholic Chaplaincy sa Archdiocese of Vienna, at assistant priest sa Parish of Our Lady of Mount Carmel sa Vienna.

Bukod pa rito, siya ay naging assistant dean of theology ng Sancta Maria Mater et Regina Seminarium ng Archdiocese of Capiz sa Roxas City mula 2000 hanggang 2004.

Simula July 2024, itinalaga siyang kura paroko ng St. Thomas of Villanova Parish sa Dao, Capiz.

Nagsilbi rin si Fr. Villareal bilang vicar general ng arkidiyosesis sa panahon ng panunungkulan ni dating Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Nang mailipat si Cardinal Advincula sa Archdiocese of Manila noong June 2021, si Fr. Villareal ay nahalal na tagapangasiwa ng arkidiyosesis sa panahon ng sede vacante, isang tungkuling kanyang ginampanan hanggang sa maitalaga at maluklok si Archbishop Victor Bendico noong May 2023.

Bukod dito, nagsilbi rin si Fr. Villareal bilang rector ng Colegio de la Purisima Concepcion sa Roxas City.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 11,284 total reads

 11,284 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 25,666 total reads

 25,666 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 66,248 total reads

 66,248 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 100,375 total reads

 100,375 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 156,781 total reads

 156,781 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top