Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,828 total views

3rd Sunday of Ordinary Time Cycle A

Sunday of the Word of God

National Bible Sunday

Is 8:23-9:3 1 Cor 1:10-13.17 Mt 4:12-23

Ang mga tao ngayon ay gustong makilala, gustong makita, gustong maging tanyag. Mangyayari ito kung sila ay mapapansin. Upang kunin ang pansin ng iba, ibig natin na tayo ay nasa sentro, nasa gitna. Ang sentro ng bansa ay nasa capital city. Nandoon ang mga dakila at kilalang mga tao. Doon nangyayari ang mga desisyon na nakakaapekto sa maraming tao. Kaya maraming tao ay gustong pumunta sa lunsod upang doon magtrabaho, upang doon mag-aral, at upang doon magbusiness. Kawawa naman ang mga malalayong barangay. Walang pumapansin sa kanila.

Wala nga ba? Hindi naman, kasi binibigyan ng Diyos ng halaga ang mga nasa tabi. Ito ang pinakita sa atin ni Jesus. Si Jesus ay nagsimulang mangaral noong mabilanggo na si Juan Bautista. Hindi siya nangaral sa lungsod ng Jerusalem ni sa Judea man, ang kilalang probinsiya ng mga Hudyo. Siya ay nangaral sa Galilea. Ito ay ang pinakamalayong probinsiya ng mga Hudyo noon. Walang pumapansin dito. Ang tawag nga dito ay Galilea ng mga Hentil kasi malakas ang impluwensya ng hindi mga Hudyo dito. Dito nakatira ang mga tribu ng Zebulon at Naftali, mga tribu na hindi kilala at napapabayaan kaya para silang nababalot sa dilim, dilim ng kamangmangan at kawalan ng kaunlaran.

Si Jesus ay kumilos sa laylayan ng kanilang lipunan. Dahil sa kanyang ginawa kaya nasabi ng propeta Isaias na mula kadiliman ay lumabas ang liwanag. Dahil sa magaling si Jesus magpahayag at dahil sa kanyang mga himala na nagpapatunay na ang salita niya ay totoo, maraming mga tao ang pumunta sa Galilea upang pakinggan siya at upang sumunod sa kanya. Gusto nilang sundan ang liwanag ni Jesus kahit na siya ay nasa Galilea.

Doon sa Galilea din si Jesus nagtawag ng kanyang mga alagad. Ang mga tinawag niya ay mga tao din na hindi kilala, mga pangkaraniwang mangingisda. Kaya ngayon napakinggan natin ang pagtawag niya sa magkakapatid na Pedro at Andres, Santiago at Juan. Ang mga tinawag niya ay hindi mga taong tambay na wala namang ginagawa. Tinawag niya ang magiging mga alagad niya habang sila ay nagtratrabaho, naghahayuma ng kanilang mga lambat. Noong tinawag niya si Mateo, siya ay nasa kanyang opisina at busy sa pangongolekta ng buwis. Ang maganda sa kanila, iniwan nila ang kanilang trabaho upang sumunod kay Jesus. Mas mahalaga ang tawag niya kaysa kanilang hanap buhay, at hindi naman sila pinabayaan ng Diyos ni ang kanilang mga pamilya.

Hanggang ngayon patuloy ang Diyos na nagtatawag ng mga maging kasosyo niya sa kanyang trabaho. Hindi kumikilos ang Diyos na mag-isa. Nagtatawag siya ng magiging kasama niya. Pero may mga tao na hindi tumutugon o nag-aalanganin na sumagot sa Diyos. Ang isang dahilan ay “Sino ba naman ako? Wala naman akong gaanong pinag-aralan. Maniniwala ba ang mga tao sa akin? Nasa laylayan lang ako ng lipunan.” Maaari ang isa pang dahilan: “Busy pa ako. Maraming trabaho. May hanap buhay pa akong pinagkakaabalahan.” Maaari ba nating matularan si Pedro at Andres, si Santiago at Juan? Kahit mangingisda lang sila sa tabi ng lawa, kahit na busy sila ang kanilang hanap buhay, sumunod sila kay Jesus.

Nagtatawag ang Diyos, para sa ano? Una sa lahat, upang magpahayag ng Salita ng Diyos. Ito naman ang pinakamensahe natin: ang Salita ng Diyos. Hindi tayo natatakot at nahihiya kasi ang mensahe ay hindi galing sa atin. Ito ay galing sa Diyos. At ang Salita ng Diyos ay mabisa. Ito ay buhay at nagbibigay buhay.

Ngayong Linggo binibigyan ng diin sa atin ang Salita ng Diyos. Ngayon ay National Bible Sunday sa ating bansa. Ngayon ay ang Sunday of the Word of God sa buong mundo. Binibigyan ng diin sa atin ang kahalagahan ng Salita ng Diyos. Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng kanyang Salita. Ang Salita din ng Diyos ang nagbibigay sigla sa ating buhay. Ang Salita ng Diyos ay hindi lang salita. Ito ay totoo, kaya ito ay naging tao. Iyan ang pinagdiwang natin noong Pasko, ang Salita na nagkatawang tao at namuhay sa atin. Siya ay si Jesus.

Kaya ang hamon sa atin ay alamin at isabuhay ang Salita ng Diyos. Ang pag-big natin sa Diyos ay ang pagsasagawa ng kanyang salita. Dahil sa ginagawa natin ito, iniingatan din tayo ng kanyang Salita. Kaya ang Salita ng Diyos ay ang ating kalasag at panangga laban na anumang kasamaan. Ito ang mensahe na dapat marinig ng lahat.

Dahil ang Salita ay naging tao, lapitan, kaibiganin natin at tularan si Jesus. Ang ating kaalaman sa Bibliya ay nauuwi sa ating pakikiisa kay Jesukristo.

Mayroon tayong second collection sa pagdiriwang natin. Ang makokolekta natin dito ay gagamitin sa Bible Apostolate na ang layunin ay ang pagpapalawak ng paggamit ng Bibliya at ang patuloy na pagpapaliwanag nito sa mga tao. Sana po pagsikapan ng bawat pamilya na magkaroon sila ng Bibliya sa bahay at ito ay binabasa. Ang nilalaman din ng Bibliya ang pinag-uusapan natin sa ating mga Kriska o Munting Sambayanang Kristiyano. Lumalago ang ating pananampalataya at pagkakaisa sa paggamit natin ng Bibliya, ang Salita ng Diyos na nakasulat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 49,411 total views

 49,411 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 173,822 total views

 173,822 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 216,099 total views

 216,099 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 293,931 total views

 293,931 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily May 17, 2026

 13,634 total views

 13,634 total views Ascension of the Lord Cycle A World Communications Sunday Acts 1:1-11 Eph 1:17-23 Mt 28, 16-20 Umakyat na si Jesus sa langit. Iniwan

Read More »

Homily May 10, 2026

 13,140 total views

 13,140 total views 6th Sunday of Easter Cycle A Mother’s Day Acts 8:5-8.14-17 1 Pt 3:15-18 Jn 14:15-21 Ngayon ay Mother’s Day. Batiin natin ang ating

Read More »

Homily May 3, 2026

 16,449 total views

 16,449 total views 5th Sunday of Easter Cycle A Acts 6:1-7 1 Pt 2:4-9 Jn 14:1-12 “Huwag kayong mabalisa!” Kailangan natin ang salitang ito ni Jesus.

Read More »

Homily April 26, 2026

 23,775 total views

 23,775 total views 4th Sunday of Easter Cycle A Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 2:14.36-41 1 Pt 2:20-25 Jn 10:1-10 Kinikilala

Read More »
Scroll to Top