Sabado, Pebrero 7, 2026

SHARE THE TRUTH

 4,266 total views

Sabado ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

1 Hari 3, 4-13
Salmo 118, 9. 10. 11. 12. 13. 14

Ang lahat ng ‘yong tuntunin
ay ituro mo sa akin.

Marcos 6, 30-34

Saturday of the Fourth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
1 Hari 3, 4-13

Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari

Noong mga araw na iyon, pumunta si Solomon sa Gabaon upang maghandog, sapagkat iyon ang pangunahing sambahan sa burol. Nag-alay na siya roon ng daan-daang handog na susunugin noong una. Kinagabihan, samantalang siya’y naroon pa sa Gabaon, napakita sa kanya ang Panginoon sa panaginip. “Ano ang ibig mong ibigay ko sa iyo? Sabihin mo!” wika sa kanya.

Sumagot si Solomon: “Kinahabagan ninyo at puspusang minahal ang aking amang si David na naging tapat sa inyo, matuwid at malinis ang puso. At ipinagpatuloy ninyo ang inyong pagkalinga sa kanya nang marapatin ninyong paluklukin sa kanyang trono ang isa niyang anak. Panginoon, aking Diyos, ginawa mo akong hari bilang kahalili ng aking amang si David, bagaman ako’y bata pa’t walang karanasan. Pinapamuno mo ako sa iyong bayan, sa bayang ito na hindi na mabilang sa dami. Bigyan mo ako ng isang pusong maunawain at marunong kumilala ng masama at magaling. Sapagkat sino ang maaaring maghari sa bayan mong ito na napakalaki?”

Ikinalugod ng Panginoon ang hiling ni Solomon. Kaya’t sinabi sa kanya: “Yamang hindi ka humiling para sa iyong sarili ng mahabang buhay, o kayamanan, o kamatayan ng iyong mga kaaway, kundi ang hiniling mo’y pagkaunawa at katalinuhang humatol, ipinagkakaloob ko sa iyo ang hiniling mo. Binibigyan kita ng karunungan na walang kapantay, maging sa mga nauna, maging sa mga susunod pa sa iyo. At bibigyan pa kita ng mga bagay na hindi mo hinihingi: kayamanan at karangalan na di mapapantayan ng sinumang hari sa tanang buhay mo.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 9. 10. 11. 12. 13. 14

Ang lahat ng ‘yong tuntunin
ay ituro mo sa akin.

Paano ba iingatang maging wagas yaong buhay,
yaong buhay na binata sa kaniyang kabataan?
Ang tugon ay: “Sumunod s’ya sa banal mong kautusan.”

Ang lahat ng ‘yong tuntunin
ay ituro mo sa akin.

Buong puso ang hangad ko na ikaw ay paglingkuran,
sa pagsunod sa utos mo, huwag mo akong pabayaan.

Ang lahat ng ‘yong tuntunin
ay ituro mo sa akin.

Ang banal mong kautusa’y sa puso ko iingatan,
upang hindi magkasala laban sa ‘yo kailanman.

Ang lahat ng ‘yong tuntunin
ay ituro mo sa akin.

Pupurihin kita, Poon, ika’y aking pupurihin,
ang lahat ng tuntunin mo ay ituro mo sa akin.

Ang lahat ng ‘yong tuntunin
ay ituro mo sa akin.

Ang lahat mong mga utos na sa aki’y ibinigay
palagi kong uusalin, malakas kong isisigaw.

Ang lahat ng ‘yong tuntunin
ay ituro mo sa akin.

Nagagalak na susundin yaong iyong kautusan
higit pa sa pagkagalak na dulot ng kayamanan

Ang lahat ng ‘yong tuntunin
ay ituro mo sa akin.

ALELUYA
Juan 10, 27

Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko’y pakikinggan
ng kabilang sa ‘king kawan,
ako’y kanilang susundan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 6, 30-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, bumalik kay Hesus ang mga apostol at iniulat ang lahat ng kanilang naisagawa at naituro. Napakaraming taong dumarating at umaalis, anupat hindi na makuhang kumain ni Hesus at ng kanyang mga alagad. Kaya’t sinabi niya sa mga ito, “Magtungo tayo sa isang ilang na pook upang malayo sa karamihan at makapagpahinga kayo nang kaunti.” Umalis silang lulan ng bangka, at nagpunta nga sa isang ilang na dako.

Ngunit maraming nakakita sa kanilang pag-alis at nakilala sila. Kaya’t mula sa lahat ng bayan, ang mga tao’y patakbong tumungo sa dakong pupuntahan nina Hesus at nauna pang dumating doon kaysa kanila. Paglunsad ni Hesus, nakita niya ang napakaraming tao; nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At sila’y tinuruan niya ng maraming bagay.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Mulat sa pangangailangang lumaya sa mga hamon ng buhay upang mapatatag at mapanumbalik ang ating diwa at kalooban, lumalapit tayo sa Ama sa mapagkumbabang pananalangin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Pastulan Mo ang iyong bayan, O Panginoon.

Ang mga namumuno sa Simbahan nawa’y panatilihin nilang buhay ang kanilang pagtatalaga sa pagpapahayag ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nabibigatan sa mga pasanin sa buhay nawa’y “lumikas” at “mamahinga,” upang makatagpo ng kapayapaan sa piling ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tumalikod sa kanilang pananampalataya nawa’y muling maakay pabalik sa pamilya ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makakita ng kagalingan sa kanilang karamdaman sa pamamagitan ni Maria, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y mamalagi sa tahanan ng Panginoon magpasawalang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, tinawag mo kami upang iyong makasama. Maging tapat nawa kami sa pagsunod sa iyong Anak sa aming paglalakbay patungo sa iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 112,303 total views

 112,303 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 236,714 total views

 236,714 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 276,767 total views

 276,767 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 350,484 total views

 350,484 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Mayo 20, 2026

 7,861 total views

 7,861 total views Miyerkules sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Bernardino ng Siena, pari Mga Gawa 20, 28-38 Salmo 67, 29-30.

Read More »

Martes, Mayo 19, 2026

 7,861 total views

 7,861 total views Martes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 20, 17-27 Salmo 67, 10-11. 20-21 Tanang mga kaharian, ang Poong D’yos ay

Read More »

Lunes, Mayo 18, 2026

 7,861 total views

 7,861 total views Lunes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Juan I, papa at martir Mga Gawa 19, 1-8 Salmo 67,

Read More »

Linggo, Mayo 17, 2026

 4,294 total views

 4,294 total views Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat (A) Mga Gawa 1, 1-11 Salmo 46, 2-3. 6-7. 8-9 Habang umaakyat ang D’yos, ang tambuli’y tumutunog. Efeso 1,

Read More »

Sabado, Mayo 16, 2026

 4,294 total views

 4,294 total views Sabado sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 18, 23-28 Salmo 46, 2-3. 8-9. 10 Hari ng sangkalupaan D’yos na

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top