Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 226,713 total reads

Mga Kapanalig, sa botong 238 na pabor, 10 na tutol, at 9 na abstain, nagpasyang muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na suspendihin si Cavite Fourth District Representative Francisco “Kiko” Barzaga.

Una na siyang sinuspinde noong Disyembre dahil sa mga “inappropriate social media posts and misconduct.” Hindi raw akma sa kanyang posisyon ang mga ipino-post niya sa social media. Tumagal ang suspensyon ni Congressman Barzaga ng 60 na araw.

Ang bagong suspensyon—na tatagal muli ng 60 na araw—ay nag-ugat sa reklamo ng mga kapwa rin niya kongresista. Iniugnay kasi ni Congressman Barzaga ang ilang kabaro niya mula sa National Unity Party na tumanggap ng suhol mula sa isang negosyante. Kapalit ng suhol na ito ang pagboto daw nila kay Leyte Representative Martin Romualdez para maging speaker. Inakusahan din niya ang isang yumaong mambabatas na sangkot sa korapsyon kaugnay ng mga flood control projects. Wala naman siyang matibay na ebidensya. 

May isa ring congressman na gustong disiplinahin si Leyte Fourth District Representative Richard Gomez. Sa isang privilege speech, hinimok ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang Kamara na disiplinahin ang dating artista at ngayon ay congressman dahil sa umano’y pananakit niya kay Philippine Fencing Association president Rene Gacuma, isang senior citizen, noong nagdaang SEA Games sa Thailand. Kung siya ang tatanungin, gusto rin ni Congressman Gacuma na patawan ng 60 na araw na suspensyon si Congressman Gomez.

Kung inyong matatandaan, lumutang ang isang video kung saan sinugod, pinagalitan, at sinaktan ni Congressman Gomez ang pinuno ng Philippine Fencing Association dahil sa desisyon ng huli ukol sa mga manlalarong isinalang sa fencing. Nagbanta pa raw ang kongresista na haharangin ang pagbibigay ng budget sa asosasyon. Sa testimonya ng opisyal ng asosasyon, sinabi niyang tinapakan ang kanyang paa, inipit ang daliri, at minura. Sa nangyaring komprontasyon, nalagay daw sa alanganin ang buhay ng senior citizen na may kondisyon sa puso at altapresyon. 

Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pang pasya ang Kamara sa kahilingan ng kinatawan ng mga senior citizens.

Mataas dapat ang tingin natin sa mga lingkod-bayad gaya ng mga mambabatas. “Kagalang-galang” o “honorable” nga ang tawag natin sa kanila. Sa ilalim ng Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, dapat sumunod sa mahigpit na panuntunan ang mga mambabatas pagdating sa tamang pag-uugali at gawi. Dapat silang maging propesyunal, walang pinapaboran, tapat, at patas. Hindi nila dapat abusuhin ang kanilang posisyon—na nangyayari kapag nagpapakalat sila ng malisyosong impormasyon o nananakit ng kanilang kapwa. Akma sa kanila ang paalala sa Tito 2:7 na “maging halimbawa ng mabuting ugali,” lalo na’t tangan nila ang kapangyarihang mula sa mga mamamayang nais nilang paglingkuran. 

Ang usapin tungkol sa disiplinang ipinakikita ng ilang kongresista natin ngayon ay maaaring tingnan gamit ang mga panlipunang turo ng Simbahan, partikular na ang tungkol sa pag-iral ng “culture of integrity” o kultura ng katapatan. Kaakibat nito ang wastong pag-uugali, pananalita, at pagkilos. Ang pulitikal na kapangyarihan (o political authority), paalala ng Simbahan, ay dapat ginagamit alinsunod sa mga hangganan ng tinatawag na “moral order”—sa madaling salita, ginagamit ang kapangyarihan sa tama, wasto, at dapat. 

Malinaw na labag dito ang pagpapakalat ng malisyosong impormasyon—pati na rin ang mga social media posts na hindi akma sa mga lingkod-bayan. Salungat din dito ang pananakit sa iba—pisikal man o sa salita—lalo na sa matatanda at may sakit. Sa mga kasong ito, may pag-abuso sa posisyong ipinagkatiwala sa kanila.

Mga Kapanalig, ang disiplinang inaasahan lagi sa mga mamamayan ay dapat na unang nakikita sa mga pinuno ng bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 36,018 total reads

 36,018 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 71,812 total reads

 71,812 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 125,646 total reads

 125,646 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 187,429 total reads

 187,429 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 255,169 total reads

 255,169 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapag ginagawang sandata ang batas

 36,020 total reads

 36,020 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 71,814 total reads

 71,814 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 125,648 total reads

 125,648 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »
Scroll to Top