Pro Ecclesia et Pontifice Award, igagawad kay 2024 CMMA Serviem awardee

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,052 total reads

Isang Filipina broadcast industry icon sa Pilipinas ang kauna-unahang recipient ng Papal honors o “Pro Ecclesia et Pontifice Award” ngayong 2026 sa ilalim ng papacy ni Pope Leo XIV.

Ang Pro Ecclesia et Pontifice(“For the Church and Pope”) ay pinakamataas na parangal na ibinibigay ng Santo Papa sa mga clergy at layko sa natatanging paglilingkod para sa Simbahang Katolika.

Sa pamamagitan ng opisyal na decree ni Pope Leo XIV, igagawad kay 2024 CMMA serviem awardee Manuela Eudes Banez Kelly ang “Cross Pro Ecclesia et Pontifice”.

Ipagkakaloob kay “Maam Dessy” ang natatanging Papal honors sa pamamagitan ng Eucharistic celebration at conferral ng award na pangungunahan ni Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula.

Gaganapin ang conferral of the award sa ika-26 ng Pebrero, 2026 ganap na alas-diyes (10:00am) sa Minor Basilica of the Immaculate Conception o Manila cathedral.

Sa kasalukuyan, si Maam Dessy ang Chairman at CEO ng Broadcast World Philippines at Allied Convergence Telecommunications Inc.

Bilang eksperto sa streaming media, mobile communications, radio frequency, pagtatayo at installations ng mga transmitter tower ay malaki ang kanyang naging sa paglago at pag-unlad ng broadcasting at telecommunications sector sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng Broadcast World Philippines, marami ang naitayo at na-commissioned AM,FM radio stations at TV station sa buong bansa na karamihan ay istasyon ng Catholic Welfare Organization at Federation of Catholic Broadcasters na naging Catholic Bishops Conference of the Philippines at sa kasalukuyan ay Catholic Media Network o CMN.

Kabilang din sa mga commercial station na natulungan ng Broadcast World Philippines ang Radio Mindanao Network, University of Mindanao Network, Mareco Broadcasting, FBS Radio,Filipinas Broadcasting, RGMA, GMA network, ABS-CBN, Prime Broadcasting, Raja Broadcasting, Far East Broadcasting Bureau of Broadcast,Eagle Broadcasting UHF stations at tower.

Sa tulong ni Maam Kelly, nakakuha ang Radio Veritas Global Broadcasting (DZRV) ng station franchise/RSL permit sa National Telecommunication Commission (NTC) kasama ang Word Broadcasting, Mountain Province Broadcasting,Radio Caritas Naga,Notre Dame Broadcasting at Sulu Tawi-Tawi Broadcasting.

Misyon ni Maam Kelly na tuparin ang naging pangako sa namayapang Rev. Fr. James B.Reuter na palaganapin ang Catholic Media sa buong Pilipinas at maging kilala sa buong mundo ang TV Maria at Radyo Veritas upang lalong mapalaganap ang mabuting balita at pananampalataya ng mga Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 55,914 total reads

 55,914 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 89,217 total reads

 89,217 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 191,043 total reads

 191,043 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 231,601 total reads

 231,601 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 249,857 total reads

 249,857 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top