Bishop Ayuban, nakikiisa sa mga nasunugan sa NIA road, Quezon City

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 411 total reads

Nanawagan ng panalangin si Cubao Bishop Elias L. Ayuban, Jr., CMF para sa mga pamilyang biktima ng naganap na sunog sa isang komunidad sa kahabaan ng NIA Road sa Quezon City.

Ayon sa Obispo, mahalagang tulungan at ipanalangin ang mga pamilyang naapektuhan ng trahedya para sa kanilang muling pagbangon.

“Let us unite in prayer for the families affected by the fire along NIA Road. May the Lord console those who are suffering and guide the community as they begin the journey of healing and rebuilding,” pahayag ng obispo.

Personal na pinangunahan ni Bishop Ayuban ang pagbisita sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog upang maghatid ng panalangin at pag-asa sa mga residenteng nawalan ng tahanan.

Sa kasalukuyan, pansamantalang nanunuluyan ang ilang evacuees sa San Isidro Labrador Parish, kung saan binuksan ng parokya ang mga pasilidad nito upang matulungan ang mga pamilyang lumikas mula sa nasunog na lugar.

Sa kanyang pagbisita sa lugar, nakipagpulong si Bishop Ayuban sa mga residente at tiniyak ang pakikiisa at panalangin ng Simbahan sa kanilang pinagdaraanan.

Ayon sa ulat, agad na binuksan ni Fr. Marti Espenido, kura paroko ng San Isidro Labrador Parish, ang Simbahan upang magsilbing pansamantalang kanlungan ng mga naapektuhan at patuloy na nakikipag-ugnayan upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

Nakibahagi rin sa relief operations at pamamahagi ng tulong ang iba pang mga pari ng diyosesis, na pinangunahan nina Fr. Dennis Soriano at Fr. Ronnie Santos sa pamamagitan ng Social Services and Development Ministry ng Diyosesis ng Cubao.

Kasama din ni Bishop Ayuban sa kanyang pagbisita sa mga naapektuhang residente sina Fr. Marti Espenido at Fr. Julius Callanga, Chancellor ng diyosesis.

Sa kabila ng matinding pinsala sa komunidad, ibinahagi naman ng ilang residente na sa kabila ng naganap na malaking sunog sa lugar ay nanatiling buo at hindi naapektuhan ng apoy ang isang maliit na kapilya sa komunidad, maging ang mga puting lasong nakapalibot dito, na sumisimbolo sa paninindigan ng komunidad laban sa korapsyon sa pamahalaan.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 6,668 total reads

 6,668 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 17,763 total reads

 17,763 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 47,280 total reads

 47,280 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 95,546 total reads

 95,546 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 117,635 total reads

 117,635 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 216,477 total reads

 216,477 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 6,669 total reads

 6,669 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 20,643 total reads

 20,643 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top