Ano tayo pagkatapos ng krisis?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 153,376 total reads

Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa Barangay Batasan Hills sa Quezon City.  Ang sinasabing ayuda mula sa gobyerno ay para sa mga tsuper ng mga pampublikong transportasyon sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis. 

Kasama si Tatay Jimmy sa listahan ng mga benepisyaryo, pero dahil may sakit at hindi siya pisikal na nakapunta sa distribution center, tumanggi ang DSWD na ibigay sa kanyang anak ang ayuda. Ayon sa kanyang anak, pinilit pa naman daw ng kanyang tatay na pirmahan ang authorization letter na dala niya. May dala rin siyang medical certificate bilang patunay na hindi posibleng ang tatay mismo niya ang kumuha ng ayuda. Pumanaw si Tatay Jimmy nang hindi nahahawakan ang pangakong ayuda.

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, maraming Pilipino ngayon ang kagaya ni Tatay Jimmy.  Nariyan ang isang jeepney driver sa Quezon City pa rin na nag-seizure habang nakapila para sa ayuda. Nagkaroon daw ng electrolyte imbalance ang tsuper dahil sa matinding gutom. Kasabay niya sa pila ang isa pang driver na kalalabas lamang sa ospital pero dahil gipit ay nagtiyaga pa ring kumuha ng ayuda. 

Noong isang linggo, nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Executive Order 110. Layunin nitong maibsan ang hirap na dinaranas ng mga kagaya nina Tatay Jimmy at iba pang apektado ng krisis. Sa EO na ito, idineklara ang state of national energy emergency sa buong bansa. Itinatag din nito ang programang UPLIFT (o United Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport) upang tugunan ang pagtaas ng presyo ng langis dahil sa giyera sa Middle East. Kasama sa UPLIFT ang energy supply management measures na ipatutupad ng Department of Energy. Sasabayan ang mga ito ng compelementary measures na susuporta sa mga konsyumer at apektadong sektor na ipapatupad naman ng mga ahensiya katulad ng DSWD, Department of Agriculture, at Department of Transportation. 

Maganda ang layunin ng EO, pero kulang pa rin ito, ayon sa ilang grupo. Paliwanag ng IBON Foundation, ang mataas na presyo ng langis ay batay sa singil ng mga oil companies, pero hindi iniuutos ng EO sa isapubliko ginagawa ang presyuhan ng langis. Wala rin itong sinasabi kung ilan ang tutulungang mga transport workers, magsasaka, at mangingisda o kung anong klase ng tulong ang ibibigay sa kanila at hanggang kailan. Mistulang ibinibigay ng administrasyong Marcos ang pasanin ng krisis sa mahihirap at ordinaryong Pilipino, samantalang pinoprotektahan nito ang kita ng malalaking korporasyon. 

Sinabi ng yumaong si Pope Francis sa kanyang librong pinamagatang Let Us Dream na inilalantad ng isang krisis ang laman ng ating mga puso. Aniya, para makalabas tayo sa isang krisis bilang mas mabuting tao, kailangan nating hayaan ang ating sariling hipuin ng mga sakit na dinaranas ng ating kapwa. Binibigyan-diin ng mga panilipunang turo ng Simbahan na ang pag-ibig at pagtatangi sa mga mahihirap, lalo na sa gitna ng krisis, ay mahalagang tungkulin ng mga tagasunod ni Kristo. Kailangan din natin ng mga lider at isang pamahalaang sensitibo sa pasanin ng bawat mamamayan at isusulong ang kabutihang panlahat. 

Mga Kapanalig, ibinubunyag ng nangyayari ngayong krisis ang hangarin ng ating mga puso, ang prayoridad ng ating mga lider, at ang katatagan ng ating mga institusyon. Lalabas kaya tayo sa krisis na ito bilang mas mabubuting tao at mapagmalasakit na lipunan? Magbibingi-bingihan kaya ang ating mga lider sa sakit na dinaranas ng taumbayan? Tandaan natin ang paalala ni Hesus sa Mateo 25:40: “Anuman ang ginawa ninyo sa isa sa pinakamaliit na kapatid ko, ginawa ninyo ito sa akin.”

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 61,254 total reads

 61,254 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 94,143 total reads

 94,143 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 195,969 total reads

 195,969 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 236,527 total reads

 236,527 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 254,519 total reads

 254,519 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 61,255 total reads

 61,255 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 94,144 total reads

 94,144 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 195,970 total reads

 195,970 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 236,528 total reads

 236,528 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top