Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,438 total reads

Palm Sunday of the Lord’s Passion Cycle A
Alay Kapwa Sunday
Is 50:4-7 Phil 2:6-11 Mt 26:14-27:60

Ang Linggong ito ay kilala na Palm Sunday at kilala din na Passion Sunday. Ngayon ay Palm Sunday dahil inaalala natin ang pagtanggap ng mga tao kay Jesus noong matagumpay siyang pumasok sa lunsod ng Jerusalem. Tuwang-tuwa ang mga tao sa pagtanggap sa kanya; kinikilala nila siya na anak ni David at propeta. Naniniwala ang mga tao na darating ang isang taong galing sa lipi ni David na maghahari sa kanila ng makatarungan at matagumpay tulad ni Haring David. Nag-aabang din sila ng isang dakilang propeta tulad ni Moises na gagabay sa kanila. Sa araw na ito kinilala nila na si Jesus na nga iyong inaasahan nila na darating. Naglatag sila ng mga balabal nila at ng mga sanga ng punong kahoy sa kanyang daan. Winelcome nila siya ng buong paggalang at buong saya sa pagwawagayway nila ng mga palapas. Kaya sa Palm Sunday ay naalaala natin ang saya ng mga tao sa pag-welcome kay Jesus, tulad ng pagwelcome sa isang hari na pumapasok sa kanyang lunsod. Ang palaspas na dala-dala natin ay tanda ng pagwelcome kay Jesus kaya pag-uwi natin maaari nating ilagay iyon sa pintuan ng bahay natin o sa ating altar. Palagi nating tanggapin si Jesus ng may saya.

Ito ay tinatawag naman na Passion Sunday kasi binasa natin ang mahabang salaysay sa mangyayari kay Jesus sa Jerusalem sa mga araw na susunod – siya ay pagtratrayduran, dadakpin, papasakitan at papatayin. Sinisimulan na natin sa araw na ito ang Semana Santa. Ito ay Passion Sunday – Linggo ng Pagpapakasakit ng Panginoon.

Malaking pagkakaiba ang dalawang pangyayaring ito. Kay dali magbago ng mga tao! Masayang tinanggap si Jesus na hari at propeta pero pagkaraan ng ilang araw hindi na “Hosanna sa Kaitaasan” ang sigaw nila kundi “Ipako na siya sa krus!” Hindi na sigaw ng tuwa kundi ng galit at hatol ang natanggap ni Jesus.

Iyong mga taong tumanggap sa kanya nang masaya ngayong linggo ay siya rin bang mga tao na sumigaw na ipako siya sa krus sa Biernes? Maaari, kasi madali naman magbago ang madla, o maaaring ibang grupo ng mga tao naman, iyong sinulsulan ng mga pari at mga saduceo. Pero kahit ibang madla naman ito, nasaan ang maraming tao na masayang tumanggap siya? Bakit hindi man lang sila tumutol at nagprotesta noong hinatulan si Jesus at dinala siya sa Kalbaryo? Natakot ba sila o nagwalang kibo na lang? Ang kasalanan ng mga tao sa Jerusalem noong Biyernes Santo ay hindi lang na nagpasulsol sila sa kanilang mga leaders kundi natakot sila at nagwalang kibo sa harap ng hindi makatarungang pangyayari. Kaya ang pagpapakasakit at kamatayan ni Jesus ay dala ng kasamaan ng ilan, pagpagamit ng iba sa masasamang tao, at ng kawalang kibo ng marami. Nasaan ba tayo dito? Nasaan ba tayo sa harap ng maraming di makatarungang pangyayari sa mundo natin ngayon?
Kung nagbago ang mga tao at iba ang sigaw nila noong Linggo ng Palapas at ang noong Biernes Santo, si Jesus ay nanatiling pareho. Hindi nagbago ang kanyang attitude. At ano iyon? Siya ay nanatiling mapagkumbaba sa harap ng tagumpay at sa harap ng pagpapakasakit at ng kamatayan. Matagumpay si Jesus na pumasok sa Jerusalem. Pero kakaiba sa tagumpay ng ibang hari. Ang matagumpay na mga hari ay nakasakay sa kabayong pandirigma pagpasok sa lunsod o kaya sa karwahe na may mga sandata. Kung sa ating panahon pa, nakasakay siya sa tangke de guera o armoured car. Si Jesus ay nakasakay sa isang bisirong asno. Ang asno ay hayop na ginagamit na pangkarga o pangtrabaho ng mga ordinaryong tao. Maaaring siya ay nakasakay sa tricycle! Dinadakila siya ng mga tao pero siya ay mapagkumbaba. Tulad ng narinig natin sa atin ikalawang pagbasa, siya ay Diyos ngunit hindi niya pinilit na manatiling kapantay ng Diyos. Hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos at namuhay siyang bilang tao at namatay siya bilang alipin, hindi lang, bilang isang salarin pa nga na nakapako sa krus. Nagpakababa si Jesus sapagkat mapagkumbaba siya.

Ang pagpapakababa ni Jesus ay hindi lang niya ipinakita sa panahon ng tagumpay. Ito din ang kanyang attitude sa panahon ng kanyang paghihirap. Maraming mga tao na kapag sila ay pinapasakitan, lumalaban sila, lalo na kung hindi makatarungan ang ginagawa sa kanila. Sumisigaw sila, lumalaban, umiiwas sa panghahampas sa kanila. Nagagalit sila at nagmumura pa nga. Kakaiba si Jesus noong siya ay hinahatulan at pinasakitan. Hindi siya nag-re-react sa mga pasakit sa kanya. Hindi siya nangatwiran. Hindi niya ipinagtanggol ang kanyang sarili. Pati na nga si Pilato ay nagtaka bakit hindi siya sumasagot sa paratang sa kanya. Mapagkumbaba na tinanggap niya ang lahat. Dahil ba ito sa wala naman siyang magawa? Sinabi niya na ang kaharian niya ay hindi sa mundong ito. Kung makamundo ang kaharian niya makapagpapadala siya ng ilang batalyon ng mga kawal niya upang siya ay iligtas. Hari nga siya, pero iba ang paghahari niya. Wala dito sa mundo natin ang kanyang kaharian.

Sa ating unang pagbasa na galing kay propeta Isaias narinig natin ang sinabi ng tapat na lingkod ng Diyos: “Hindi ako tumutol nang bugbugin nila ako. Hindi ako kumibo nang ako’y insultuhin, kahit noong lurhan nila ang aking mukha, pagkat ang makapangyarihang Panginoon ang tumutulong sa akin.” Nakayanan ni Jesus na magpakumbaba sa gitna ng mga pahirap kasi malakas ang kanyang tiwala na hindi siya pababayaan ng kanyang Ama. Sabi niya: “Handa akong magtiis na sampaling parang bato, pagkat aking batid na ang sarili ko ay hindi mapapahiya.”
Si Jesus ay mapagkumbaba noong siya ay matagumpay at pinupuri. Mahirap na ito. Madaling maging mayabang kapag dinadakila ka ng mga tao. Hindi si Jesus! Siya ay nanatili ding mapagkumbaba at hindi lumalaban noong siya ay pinagbibintangan at nilalait. Ang pagpapakumbaba ni Jesus ay dala ng kanyang pananalig na hindi siya pababayaan ng kanyang Ama. Kaya naging masunurin siya hanggang sa kamatayan sa krus.

Sana po sundin natin ang katangian ni Jesus at hindi ng madla. Sana hindi magbago ang ating attitude sa Diyos. Purihin natin siya. Dakilain natin siya palagi. Huwag natin siyang talikdan. Huwag tayong magwalang kibo sa kasamaan na nangyayari sa paligid natin. Tulad ni Jesus magkaroon tayo ng malakas na pananalig sa Diyos. Hindi niya tayo pababayaan sa panahon man ng kasaganaan at sa panahon ng kasalatan, sa panahon ng tagumpay at sa panahon ng kabiguan. Maaasahan natin siya.

Ngayong apatnapung araw ng Kuwaresma hinikayat tayong magpenitensiya, magtimpi sa sarili, at magtiis upang tayo ay maging mapagbigay sa iba. Ngayong Linggo ng Pagpapakasakit ng Panginoon ipunin na natin ang ating mga kabutihang ginawa sa panahon ng kuwaresma at ibigay para sa kapwa. Ngayon ay Alay Kapwa Sunday. Magkakaroon tayo ng second collection mula sa bunga ng ating pagtitimpi at pagpepenitensiya. Ang nalilikom sa Alay Kapwa ay ginagamit para sa mga nasasalanta ng mga natural at man-made calamities. Maraming dumadating sa atin nito taon-taon, tulad ng bagyo, lindol, landslides, oil spill, mga sunog, at iba pa. Ang Alay Kapwa collection ay ginagamit sa agarang pagtulong sa mga naaapektuhan ng mga pangyayaring ito. Maging generous tayo. Hindi natin alam, baka tayo mismo ang mangangailangan ng tulong na ito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 111,441 total reads

 111,441 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 196,825 total reads

 196,824 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 260,662 total reads

 260,662 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 341,038 total reads

 341,038 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 418,732 total reads

 418,731 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily November 15, 2026

 17,804 total reads

 17,804 total reads 33rd Sunday in Ordinary Time Cycle A World Day of the Poor Prv 31:10-13.19-20.30-31 1 Thess 5:1-6 Mt 25:14-30 Noon taong 2021, ipinagdiwang

Read More »

Homily November 8, 2026

 23,190 total reads

 23,190 total reads 32nd Sunday in Ordinary Time Cycle A Wis 6:12-16 1 Thess 4:13-18 Mt 25:1-13 Sa kalendaryo ng simbahan ang buwan ng Nobyembre ay

Read More »

Homily November 1, 2026

 30,024 total reads

 30,024 total reads Solemnity of all Saints Rev 7:2-4, 9-14 1 Jn 3:1-3 Mt 5:1-12 Binabanggit natin sa ating Pananampalataya o ating Creed: Sumasampalataya ako sa

Read More »
Scroll to Top