CWS, nangangamba sa matinding epekto ng oil price hike sa mamamayang Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 877 total reads

Nagpahayag ng pagkabahala ang Church People–Workers Solidarity (CWS) sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na patuloy na nagpapahirap sa mamamayang Pilipino.

Ayon sa CWS na pinangangasiwaan ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na siyang tagapangulo ng CWS nakikiisa ang grupo sa mga tsuper, magsasaka, mangingisda, at iba pang manggagawa na higit na apektado ng krisis na dulot ng kaguluhang nagaganap sa Gitnang Silangan.

Binigyang-diin ni Bishop Alminaza na ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay bunga ng umiigting na tensyon at digmaan sa Gitnang Silangan, na nagdudulot ng pagkagambala sa pandaigdigang suplay ng langis.

“The Church People–Workers Solidarity (CWS) expresses grave concern over the relentless oil price increases that continue to burden the Filipino people. We stand in firm solidarity with transport workers, farmers, fisherfolk, and all working families who are suffering the consequences of a crisis they did not create.” Bahagi ng pahayag ng CWS.

Iginiit ng Obispo na ang pinakamabigat na epekto ng krisis ay nararanasan ng mahihirap, lalo na ng mga tsuper at commuter na araw-araw humaharap sa pagtaas ng pamasahe at gastusin.
Partikular ding tinukoy ni Bishop Alminaza na sa kabila ng krisis ay patuloy pa ring kumokolekta ang pamahalaan ng buwis sa langis, kabilang ang VAT at excise tax, na lalo pang nagpapabigat sa mamamayan.

Muli ding ipinaalala ng Obispo ang tuwinang paalala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang katuruan batay sa Social Doctrine of the Church na bagamat pabor ang Simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, subalit kinakailangan ang kitang ito ay nakakamit nang hindi nabibigatan at naaapektuhan ang mga mamamayan lalo na ang mga mahihirap.

“The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) has consistently reminded us that economic policies must be judged by how they affect the poor, emphasizing that governance must always uphold the primacy of the common good over narrow fiscal or political interests. Any response that fails to substantially ease the burden on the most vulnerable falls short of this moral responsibility.” Dagdag pa ng CWS.

Hinamon naman ni Bishop Alminaza ang pamahalaan na tiyakin ang makatarungang sistema ng pagbubuwis, kabilang ang naaangkop na buwis na naaakma sa kasalukuyang panahon.

Iginiit rin ng Obispo ang agarang pagsuspinde ng VAT at excise tax sa langis, pagbibigay ng makatarungang sahod at sapat na proteksyon sa manggagawa, at pagpapatupad ng mga hakbang upang mapanatili ang patas na presyo ng mga bilihin.

Nanawagan din si Bishop Alminaza pagkakaisa para sa pagsusulong ng agarang paghupa ng mga armadong tunggalian sa mundo at pagsusulong ng makatarungan at pangmatagalang kapayapaan.

“We call on the faithful—clergy, religious, and laypeople—to stand with workers and the poor, not only in prayer but in concrete action. At this critical moment, faith must become solidarity, and solidarity must become transformation. In a world wounded by war, inequality, and ecological crisis, we affirm: no one is saved alone. Our response must be collective, compassionate, and courageous—transforming structures that perpetuate suffering into systems that uphold life, dignity, and peace.” Ayon pa CWS.

Samantala, muli ring ipinalala ni Bishop Alminaza na ang pananampalataya ay dapat isabuhay sa pagkilos para sa katarungan, lalo na para sa mahihirap at naaapi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 62,448 total reads

 62,448 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 95,237 total reads

 95,237 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 197,063 total reads

 197,063 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 237,621 total reads

 237,621 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 255,550 total reads

 255,550 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 51,694 total reads

 51,694 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top