Ipagdasal ang mga Pari, panawagan ng Obispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 79,727 total reads

Nanawagan si San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. sa mga mananampalataya na ipanalangin ang mga Pari upang manatiling matatag sa kanilang bokasyon at misyon.

Ito ang mensahe ng Obispo sa ginanap na Chrism Mass kasabay ng Martes Santo noong Marso 31, 2026, sa Cathedral Parish of St. Paul the First Hermit kung saan muli ring sinariwa ng mga Pari ang kanilang pangako at bokasyon bilang lingkod Simbahan.

Ayon kay Bishop Maralit, mahalagang ipanalangan ang patuloy na paggabay ng Panginoon maging para sa mga Pari upang kanilang patuloy na mapangatawanan ang pananagutan sa kanilang misyon bilang katuwang ng Simbahan sa pagsasakatuparan ng misyon ni Hesus sa sanlibutan.

“Mga kapatid, magdasal kayo para sa mga Pari ipakiusap ninyo kay Kristo na palakasin niya ang loob ng mga Pari upang mapangatawanan ang kanilang pananagutan ng may ganap na pag-ibig at katapatan, at upang kayo ay kanilang maakay sa masaganang batis ng kaligtasan.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Maralit
.
Paliwanag pa ng Obispo, mahalaga ang panalangin ng sambayanan upang magabayan ng mga Pari ang mga mananampalataya tungo sa masaganang biyaya ng kaligtasan na pangako ng Diyos para sa sangkatauhan.

Hiniling din ni Bishop Maralit ang panalangin ng bawat mananampalataya para sa kanyang sarili, bilang pastol ng diyosesis, kasabay ng pagkilala sa kanyang sariling kahinaan at kakulangan sa paglilingkod.

“Ako rin na inyong Obispo ay inyong ipagdasal. Ako ay maraming kaligtasan at kakulangan, ang mga ito ay huwag nawang maging sagabal sa tapat na pagtupad sa pananagutan ng mnga apostol na iniatang sa akin ng Panginoong Hesus.” Dagdag pa ni Bishop Maralit.

Ipinakiusap din ng Obispo na ipanalangin na kanyang matularan si Kristo bilang mabuting pastol, na naglilingkod at nagtuturo sa sambayanan.

“Ipakiusap ninyo sa kanya na siya ay aking matularan sa pagiging dakilang pari at mabuting pastol, tagapagturo at tagapaglingkod ng lahat upang ang aking buong pagkatao ay maging tagapaghatid ng maaasahan niyang paglagi sa piling ninyo araw-araw.” Ayon pa kay Bishop Maralit.

Ang Chrism Mass ay isang mahalagang pagdiriwang tuwing Semana Santa kung saan pinagbubuklod ang mga pari at kanilang Obispo, at pinananariwa ang kanilang pangako sa paglilingkod sa Simbahan at sa bayan ng Diyos.

Batay sa tala, katuwang ni Bishop Maralit sa pangangasiwa sa buhay espiritwal ng may higit sa 3-milyong Katoliko sa 91-parokya sa Diyosesis ng San Pablo ang 215 mga Pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 64,566 total reads

 64,566 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 97,201 total reads

 97,201 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 199,027 total reads

 199,027 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 239,585 total reads

 239,585 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 257,408 total reads

 257,408 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 52,049 total reads

 52,049 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top