Prusisyon sa Diocesan Shrine of San Isidro Labrabor sa Pulilan, Bulacan, kinansela

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,127 total reads

Inihayag ng pamunuan ng Semana Santa 2026 ng Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Isidro Labrador sa Pulilan, Bulacan ang pagkansela ng prusisyon sa Miyerkules Santo bilang pakikiisa ng dambana sa kalagayan ng mga higit na nangangailangan sa lipunan.

Ayon sa pahayag ni Msgr. Dario Cabral, rektor at kura paroko ng dambana, layunin ng naging desisyon na higit na pagnilayan ang tunay na diwa ng Mahal na Araw, lalo na sa gitna ng paghihirap ng maraming mamamayan sa gitna na rin ng krisis na dulot ng nagaganap na digmaan sa Gitnang Silangan.

“Masakit isipin na tayo ay nagdiriwang habang tila hindi natin nararamdaman ang paghihirap ng ating kapwa—lalo na ang kanilang gutom—at ang mga bagay na nasasayang na maaari sanang makatulong sa iba,” Bahagi ng pahayag ni Msgr. Cabral.

Pagbabahagi ng pamunuan ng dambana, isang prusisyon na lamang ang isasagawa sa Good Friday bilang pagninilay sa pagpapakasakit at kamatayan ng Panginoon.

“Kaya po, isang prusisyon na lamang ang ating gaganapin—sa Biyernes Santo. Doon po natin pagnilayan ang pagpapakasakit at kamatayan ng ating Panginoon,” Dagdag pa ni Msgr. Cabral.

Hinimok din ni Msgr. Cabral, ang mga mananampalataya na ituon ang panahon ng Mahal na Araw sa pananalangin, partikular na para sa kapayapaan sa gitna ng mga umiiral na digmaan at krisis sa enerhiya sa mundo.

Hinikayat din ng Pari, ang lahat na isama sa pananalangin ang pagwawakas ng lahat ng mga sigalot at armadong sagupaan upang tuluyan ng makamtan ang kapayapaan sa sanlibutan.

“Sa mga araw ng Mahal na Araw, inaanyayahan po namin kayong manalangin—lalo na para sa kapayapaan. Ipagdasal natin ang pagtatapos ng digmaan at ng krisis sa enerhiya. Isama po natin sa ating mga panalangin ang Prayer for Disarmament and Peace, upang tuluyan nang magwakas ang mga sigalot na ito.” Ayon kay Msgr. Cabral.

Umaasa rin si Msgr. Cabral na ang paggunita ng Mahal na Araw ay magsilbing paanyaya para sa mas malalim na pag-unawa at pakikiisa sa kalagayan ng mga dukha at mga labis na naaapektuhan ng krisis sa kasalukuyang panahon.

“Nawa ang Mahal na Araw ay maghatid sa atin ng mas malawak na pang-unawa at mas malalim na pakikisangkot sa kalagayan ng mga nangangailangan, ng mga dukha, at ng mga labis na naaapektuhan ng krisis na dulot ng digmaan.” Dagdag pa ni Msgr. Cabral.

Samantala nagpahayag din ng pakikiisa ang pamunuan ng dambana sa panawagan ng mga jeepney at tricycle drivers kaugnay sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 63,444 total reads

 63,444 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 96,172 total reads

 96,172 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 197,998 total reads

 197,998 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 238,556 total reads

 238,556 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 256,443 total reads

 256,443 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 51,876 total reads

 51,876 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top