Ipagdasal ang mga Pari, panawagan ng Obispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 79,614 total views

Nanawagan si San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. sa mga mananampalataya na ipanalangin ang mga Pari upang manatiling matatag sa kanilang bokasyon at misyon.

Ito ang mensahe ng Obispo sa ginanap na Chrism Mass kasabay ng Martes Santo noong Marso 31, 2026, sa Cathedral Parish of St. Paul the First Hermit kung saan muli ring sinariwa ng mga Pari ang kanilang pangako at bokasyon bilang lingkod Simbahan.

Ayon kay Bishop Maralit, mahalagang ipanalangan ang patuloy na paggabay ng Panginoon maging para sa mga Pari upang kanilang patuloy na mapangatawanan ang pananagutan sa kanilang misyon bilang katuwang ng Simbahan sa pagsasakatuparan ng misyon ni Hesus sa sanlibutan.

“Mga kapatid, magdasal kayo para sa mga Pari ipakiusap ninyo kay Kristo na palakasin niya ang loob ng mga Pari upang mapangatawanan ang kanilang pananagutan ng may ganap na pag-ibig at katapatan, at upang kayo ay kanilang maakay sa masaganang batis ng kaligtasan.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Maralit
.
Paliwanag pa ng Obispo, mahalaga ang panalangin ng sambayanan upang magabayan ng mga Pari ang mga mananampalataya tungo sa masaganang biyaya ng kaligtasan na pangako ng Diyos para sa sangkatauhan.

Hiniling din ni Bishop Maralit ang panalangin ng bawat mananampalataya para sa kanyang sarili, bilang pastol ng diyosesis, kasabay ng pagkilala sa kanyang sariling kahinaan at kakulangan sa paglilingkod.

“Ako rin na inyong Obispo ay inyong ipagdasal. Ako ay maraming kaligtasan at kakulangan, ang mga ito ay huwag nawang maging sagabal sa tapat na pagtupad sa pananagutan ng mnga apostol na iniatang sa akin ng Panginoong Hesus.” Dagdag pa ni Bishop Maralit.

Ipinakiusap din ng Obispo na ipanalangin na kanyang matularan si Kristo bilang mabuting pastol, na naglilingkod at nagtuturo sa sambayanan.

“Ipakiusap ninyo sa kanya na siya ay aking matularan sa pagiging dakilang pari at mabuting pastol, tagapagturo at tagapaglingkod ng lahat upang ang aking buong pagkatao ay maging tagapaghatid ng maaasahan niyang paglagi sa piling ninyo araw-araw.” Ayon pa kay Bishop Maralit.

Ang Chrism Mass ay isang mahalagang pagdiriwang tuwing Semana Santa kung saan pinagbubuklod ang mga pari at kanilang Obispo, at pinananariwa ang kanilang pangako sa paglilingkod sa Simbahan at sa bayan ng Diyos.

Batay sa tala, katuwang ni Bishop Maralit sa pangangasiwa sa buhay espiritwal ng may higit sa 3-milyong Katoliko sa 91-parokya sa Diyosesis ng San Pablo ang 215 mga Pari.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 9,541 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 9,647 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 72,310 total views

 72,310 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 141,925 total views

 141,925 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 173,209 total views

 173,209 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 205,222 total views

 205,222 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 353,829 total views

 353,829 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, balik Vatican na

 7,648 total views

 7,648 total views Nagbalik na sa Vatican ang Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV matapos ang ilang linggong pamamahinga sa Castel Gandolfo, na summer residence ng mga

Read More »
Scroll to Top