Entitlement, babala ni Bishop Villarojo sa mga pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 432,166 total reads

Ipinahayag ni Malolos Bishop Dennis Villarojo na ang tunay na diwa ng paglilingkod sa Simbahan ay hindi paghahangad ng pagkilala kundi pasasalamat sa biyayang makapaglingkod.

Sa kanyang homiliya sa Chrism Mass na ginanap sa Katedral at Basilika Menor ng Inmaculada Concepcion nitong Martes Santo, iginiit ng obispo sa mga pari na dapat “Tayo ang nagpapasalamat dahil tayo ang pinaglingkod.”

Paliwanag ng obispo, ang paglilingkod ng pari ay hindi nagmumula sa sariling kabutihan kundi sa biyaya ng Diyos na pumipili at nagtatalaga ng mga pastol.

“Service does not spring from our gratitude. We are grateful because we have been given the chance. We have been chosen to serve,” ayon kay Bishop Villarojo.

Babala ni Bishop Villarojo sa mga pari ang panganib ng pagiging entitled sa kanilang ministeryo at pagpapastol sa kawang ipinagkakatiwala sa kanilang pangangalaga.

“What is supposed to be a privilege can become a sense of entitlement. Entitlement begets expectations; failed expectations beget disappointment,” dagdag pa ni Bishop Villarojo.

Ayon sa obispo, kapag ang pari ay naghahangad ng pasasalamat, nasisira ang ugnayan ng diakonia at eukaristiya at nawawala ang galak sa paglilingkod na lalong nagpapabigat sa pagganap ng tungkulin ng isang pastol.

Iginiit din ni Bishop Villarojo na ang pagkapari ay hindi karaniwang serbisyo kundi pakikibahagi sa mismong gawain ni Kristo.

Kasabay ang paalala na ang pari ay tinatawag upang maging buhay na instrumento ni Hesus sa mundo.

“Hindi ito karaniwang paglilingkod. Ito’y pakikibahagi sa paglilingkod ni Kristo… The priesthood is the perpetuation of Christ’s work, His incarnation,” saad ng obispo.

Sa konkretong paglalarawan, hinimok ng obispo ang mga pari na gamitin ang kanilang mga kakayahan bilang daluyan ng habag at pag-ibig ng Panginoon.

“Itong mga kamay na ito ay inilalaan sa pagbabasbas… sa pag-aangat ng mga taong nalulugmok,” aniya.

Muling binigyang-diin ni Bishop Villarojo na ang sukatan ng paglilingkod ay hindi papuri kundi ang pagiging daluyan ng pag-ibig ng Diyos.

“Hindi hangad ng pari na siya ay pasalamatan. Sapat na siya ay ginamit ni Cristo upang maipadama ang pag-ibig ng Diyos sa bawat tao,” giit ni Bishop Villarojo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 18,397 total reads

 18,397 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 127,105 total reads

 127,105 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 171,776 total reads

 171,776 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 193,982 total reads

 193,982 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 230,011 total reads

 230,011 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top