April prayer intention, inilaan ni Pope Leo XIV sa mga paring dumaranas ng krisis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,528 total reads

Inilaan ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV ang kanyang prayer intention ngayong buwan ng Abril para sa mga pari na dumaraan sa krisis sa kanilang bokasyon.

Layunin ng Santo Papa na ipanalangin ang mga lingkod ng Simbahan na nahaharap sa mga pagsubok, upang kanilang matagpuan ang kinakailangang gabay at suporta mula sa kanilang pamayanan.

Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang kahalagahan ng malasakit at pag-unawa ng komunidad sa mga pari, lalo na sa mga panahong sila ay dumaranas ng pagdududa, panghihina, o iba pang hamon sa kanilang paglilingkod.

“Let us pray for priests going through moments of crisis in their vocation, that they may find the accompaniment they need and that communities may support them with understanding and prayer,” Panalangin ng Santo Papa para sa buwan ng Abril.

Muling ipinapaalala ng Santo Papa sa gitna ng mga hamong ito na ang bokasyon sa pagkapari ay isang biyaya na nangangailangan ng patuloy na paghubog, paggabay, at panalangin mula sa buong Simbahan.

Hinihikayat din ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na maging aktibong bahagi sa pagsuporta sa kanilang mga pari, hindi lamang sa pamamagitan ng panalangin kundi maging sa pagbibigay ng pag-unawa at pakikiisa sa kanilang pinagdaraanan.

Una nang binigyang-diin ng Santo Papa na mahalagang mapanatili ang ugnayan ng mga pari sa kanilang komunidad, sapagkat dito nila matatagpuan ang lakas at inspirasyon upang magpatuloy sa kanilang misyon bilang tagapaghatid ng Mabuting Balita.

Bahagi rin ng panawagan ng Santo Papa ang pagpapaalala na ang Simbahan ay isang pamayanang nagmamalasakit, kung saan ang bawat kasapi lalo na ang mga pari ay inaalalayan sa panahon ng pagsubok.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 56,033 total reads

 56,033 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 116,530 total reads

 116,530 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 135,805 total reads

 135,805 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 216,459 total reads

 216,459 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 315,638 total reads

 315,638 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top