Pagnakaw ng kagamitan ni San Miguel Archangel, ikinalulungkot ng pamunuan ng Diocesan Shrine of San Miguel Archangel parish

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,342 total reads

Naglabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Miguel Arcangel sa San Miguel, Bulacan ukol sa pagnanakaw ng mga sagradong gamit ng kanilang patron na si San Miguel Arcangel.

Ayon sa ulat ng pamunuan ng dambana sa pangunguna ng Rektor at Kura Paroko nito na si Rev. Fr. Avelino Sampana at Bikaryo ng Parokya na si Rev. Fr. Philip Faustino Volante, natuklasan ang pagkawala ng mga nasabing gamit noong Abril 4, 2026, bandang alas-9 ng umaga.

Kabilang sa mga ninakaw ang pakpak, kalasag, sibat at espada na pawang yari sa pilak na itinuturing na mahalagang bahagi ng debosyon at pananampalataya ng mga deboto.

Paliwanag ng dambana ang naturang mga gamit ay mahalagang simbolo ng debosyon ng mga mananampalataya sa bayan ng San Miguel at bahagi rin ng kasaysayan na hindi matutumbasan ng anumang halaga.

“Lubos naming ikinalulungkot na ipaalam sa publiko ang naganap na pagnanakaw sa mga sagradong gamit ni San Miguel Arcangel. Natuklasan ang pagkawala ng mga nasabing gamit ngayong Abril 4, 2026 sa ganap na ika-9 ng umaga. Ang mga gamit na ito ng ating Patrong Sakdal Giting ay ang Pakpak, Kalasag, Sibat at Espada na pawang mga gawa sa pilak. Ang mga ito ay simbolo ng debosyon ng ating bayan at bahagi ng kasaysayan at pananampalataya ng mga taga San Miguel na hindi matutumbasan ng anumang halaga.” Ayon sa pahayag ng dambana.

Pagbabahagi ng pamunuan ng dambana, agad na nakipag-ugnayan ang parokya sa San Miguel Police Station upang magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa insidente.

Nananawagan din ang pamunuan ng Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Miguel Arcangel sa San Miguel, Bulacan sa sinumang may impormasyon na makipag-ugnayan sa Simbahan o sa mga awtoridad upang mapabilis ang paglutas sa kaso at maibalik ang mga sagradong gamit ng patron.

“Kasalukuyan na po kaming nakikipagtulungan sa San Miguel Police Station para sa agarang imbestigasyon ng insidente. Kami ay nananawagan sa sinumang may impormasyon na makipag-ugnayan sa amin o sa mga awtoridad.” Dagdag pa ng dambana.

Nagsusumamo rin ang pamunuan ng dambana sa kung sino ang kumuha o may hawak sa mga gamit ng patron na igalang ang kasagraduhan nito at hiniling na kung maaari ay ibalik na lamang ito nang lihim sa pintuan ng Simbahan.

Ayon sa dambana, hangad ng Simbahan ang ligtas na pagbabalik ng mga nawawalang gamit ni San Miguel Arcangel na patron ng bayan.

“Para sa mga taong kasalukuyang may hawak ng mga gamit na ito: Kami ay nag-susumamo na inyong igalang ang kabanalan ng mga ito. Maaari niyong ibalik ang mga gamit nang lihim sa pintuan ng simbahan. Ang aming hangad ay ang ligtas na pagbabalik ng mga sagradong kayamanang ito. Hinihiling din namin ang panalangin ng bawat isa para sa mabilis na pagresolba ng sitwasyong ito.” Ayon pa sa dambana.

Samantala, humihiling din ng panalangin ang pamunuan para sa agarang resolusyon ng insidente kasabay ng pananawagan para sa pagkakaisa at pananalig ng komunidad sa gitna ng insidente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 98,756 total reads

 98,756 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 149,120 total reads

 149,120 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 277,803 total reads

 277,803 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 363,189 total reads

 363,189 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 421,682 total reads

 421,682 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top