Military Ordinariate, nagbigay pugay sa sandatahang lakas ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,587 total reads

Binigyang pugay ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang mga kawani ng iba’t ibang pwersa ng pamahalaan na patuloy na nagsusumikap na isakatuparan ang kanilang mandato sa kabila ng krisis na kinahaharap hindi lamang ng lipunan kundi ng daigdig.

Ito ang bahagi ng mensahe ng Obispo kaugnay sa patuloy na paggunita sa diwa ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo.

Ayon kay Bishop Florencio, ang diwa ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ay hindi lamang pagdiriwang kundi isang misyon na ipinagkakatiwala sa bawat mananampalataya, lalo na sa mga naglilingkod upang pangalagaan ang kapayapaan at kaayusan.

Kinilala rin ng Obispo ang sakripisyo at katapangan ng mga men and women in uniform sa gitna ng iba’t ibang hamon tulad ng kaguluhan at kawalan ng katiyakan sa lipunan.

“Amid the ongoing crises that confront our nation and the world; uncertainties, conflicts, and the burdens of duty- you stand as sentinels of peace and stability. Your vigilance in the face of danger, your discipline in times of uncertainty, and your courage under pressure reflect a deeper truth: that even in the darkest hours, God is at work through faithful servants.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Florencio.

Nagbigay-pugay din ang Obispo sa mga pamilya ng mga kawani ng iba’t ibang pwersa ng pamahalaan na tahimik na sumusuporta at nakikibahagi sa kanilang misyon upang tiyakin ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.

“To your families; with your silent strength and constant support, you share in this mission. Your sacrifices, prayers, and love sustain those in uniform as they carry out their noble calling.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Paliwanag pa ni Bishop Florencio, hindi dapat na mawalan ng pag-asa ang sinuman sa kabila ng mga krisis at pagsubok sa buhay sapagkat ang Muling Pagkabuhay ni Kristo ay patunay ng tagumpay ng buhay laban sa kamatayan, pag-asa laban sa kawalan ng katiyakan, at liwanag laban sa anumang banta ng kadiliman.

“Easter reminds us that sacrifice is never in vain. Just as Christ remained steadfast in His mission despite suffering, so too are you called to remain firm in your duty, alert in your responsibilities, yet anchored in faith. Your service is not only a profession; it is a vocation that participates in God’s work of preserving life, justice, and peace.” Ayon pa kay Bishop Florencio.

Ipinapanalangin naman ni Bishop Florencio na patuloy na patatagin ng Muling Nabuhay na si Kristo ang pananampalataya ng lahat at gabayan ang kanilang paglilingkod para sa kapakanan ng bayan.

Hinimok din ng Obispo ang lahat na magpatuloy bilang mga saksi ng Muling Pagkabuhay ni Hesus na may matatag na pananampalataya, tapat sa tungkulin, at puspos ng pag-asa.

Saklaw ng Military Ordinariate of the Philippines ang pangangasiwa ng paggabay sa buhay espiritwal ng mga men and women in uniform mula sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management & Penology (BJMP) at Veterans Memorial Medical Center (VMMC)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 226,072 total reads

 226,072 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 257,803 total reads

 257,803 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 359,627 total reads

 359,627 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 400,189 total reads

 400,189 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 411,697 total reads

 411,697 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top