Mananampalataya, hinimok na maging tagapagtaguyod ng kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,170 total reads

Hinimok ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang mga mananampalataya na manatiling matatag sa pag-asa at maging tagapagtaguyod ng kapayapaan sa pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng Obispo na ang Muling Pagkabuhay ni Kristo ay paalala na hindi dapat mawalan ng pag-asa ang lahat sa kabila ng mga pagsubok, digmaan, at tukso sa buhay.

Ayon kay Bishop Bagaforo na siya ring co-chairman ng Pax Christi International, hindi dapat na panghinaan ng loo bang sinumann sapagkat kaakibat ng muling pagkabuhay ni Hesus ang panibagong pag-asa at kaligtasan para sa sangkatauhan.

“Easter reminds us: never despair. Even amid trials, wars, and temptations, we hold fast to the promise that God’s love endures. The peace of Christ is not defeated by violence; it persists, transforms, and ultimately triumphs.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Paliwanag ng Obispo, ang kapayapaan ni Kristo ay nananatili at hindi magagapi ng anumang karahasan, sa halip ay patuloy na nagbabago at nagtatagumpay sa kabila ng kaguluhan nagaganap sa mundo.

Giit ni Bishop Bagaforo, ang bawat isa ay tinatawagan upang maging tagapag-sulong ng kapayapaan at iwaksi ang anumang uri ng karahasan at armadong sagupaan na nag-aalis ng kapayapaan at katarungan sa daigdig.
Hinikayat ng Obispo ang lahat na maging aktibong tagapagtaguyod ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagtanggi sa karahasan at pagtanggap sa landas ng katarungan at pagkakapantay-pantay.

“In this hope, we commit ourselves to be active peacemakers-rejecting violence, embracing nonviolence, and working tirelessly for a world where justice and peace embrace.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Samantala, umaasa rin si Bishop Bagaforo na ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ay magsilbing daan upang mapalalim ang pananampalataya, mapatatag ang pag-asa, at mahikayat ang bawat isa na maging saksi ng pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan.

“May this Easter renew our faith, strengthen our hope, and send us forth as witnesses of Love, builders of Just Peace, and faithful stewards of God’s creation. Alleluia!” Ayon pa kay Bishop Bagaforo

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 98,743 total reads

 98,743 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 149,107 total reads

 149,107 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 277,790 total reads

 277,790 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 363,176 total reads

 363,176 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 421,670 total reads

 421,670 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top